^

Pang Movies

Kiray, gustong patunayang matibay ang relasyon sa kapitbahay!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kiray, gustong patunayang matibay ang relasyon sa kapitbahay!             

Kahit na sunud-sunod ang hiwalayan sa showbiz, nananatili pa ring matibay ang relasyon ni Kiray Celis sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.

Noong maging public na ang relasyon ng dalawa, nakatanggap ng bashing at hate comments si Kiray dahil hindi naman daw tatagal ang relasyon nila ni Stephan. Ginagagamit lang daw siya nito at huwag daw siyang masyadong mag-ilusyon na may lalakeng seseryoso sa kanya.

Pero two years na nga ang relasyon ng dalawa at napatunayan na nila sa mga haters na patuloy ang pagmamahalan nila against all odds.

Sa isang Instagram post, nai-share ni Kiray ang sweet photos nila ni Stephan habang nasa isang resort sila. May caption ito na: “Parehas kaming naloko. Kaya ayaw namin gawin sa ibang tao. Walang lokohan. Hanggang sa dulo. #HindiLahatHiwalaySa2022.”

Nag-trending last year si Stephan nang ipa-tattoo ng huli sa kanyang dibdib ang mga mata ni Kiray at nasundan pa ito noong February nang ang buong pangalan naman ni Kiray ang ipina-tattoo niya sa kanyang braso.

Kapitbahay lamang noon ni Kiray si Stephan na kaibigan din ng kanyang kuya. Dahil sa paglalaro ng Mobile Legends kaya mas naging close raw ang dalawa.

Birthday ni Lilibet, maraming kasabay na malaking event

Nag-turn 1 year-old na ang baby girl nila Prince Harry and Meghan Markle na si Lilibet Diana Mountbatten-Windsor noong nakaraang June 4.

Sinilang si Lilibet sa California pagkatapos na magbitiw sila ni Prince Harry sa kanilang royal duties sa palasyo.

Bumati rin ang Duke and Duchess of Sussex at pati na rin ang lolo ni Lilibet na si Prince Charles.

Kelan lang ay nakilala na ni Queen Elizabeth II ang kanyang apo sa tuhod na si Lilibet pagkatapos ng Trooping the Colour event sa Buckingham Palace.

Nasabay ang 1st birthday ni Lilibet sa Platinum Jubilee ni Queen Elizabeth dahil 70 years na itong nakaupo sa throne. Nasundan pa ito ng Epsom Derby and the BBC’s star-studded event, Platinum Party at the Palace.

vuukle comment

KIRAY CELIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with