^

Pang Movies

Alden, ‘di nakalimot

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alden, �di nakalimot

Grabe happiness ko, Salve. Imagine mo pinadalhan ako ni Alden Richards ng roses at cake for Mother’s Day.

Talagang feeling heaven ako dahil Alden iyan noh, sobra sa busy tapos may time magpadala ng roses at cake for me.

Tiyak na may participation din diyan si Mama Tenten dahil siya ang adviser ni Alden.

Ang laki ng epekto nito lalo sa isang sentimental na tao na tulad ko. Kaya alam n’yo na bakit love ko si Alden.

Love ko siya dahil sincere at mapagmahal siya.

Rhea, may pa-bonus trip sa top sellers!

Nataranta ako kay Rhea Tan ng Beautederm. Talagang sa gitna ng Mother’s Day nagpadala siya ng tambak na food, longganisa, tocino, bagnet, at cute piggy. Talagang parang alam niya na weakness ko ang food, at may pagka-PG (patay-gutom) ako.

Na-excite pa ako nang sabihin niyang bibigyan niya ng bonus trip ang ang top sellers ng Beautederm, either sa Korea or Japan.

Napakabait naman palang Big Boss ni Rhea Tan, marunong talaga siyang mag-appreciate sa mga tao na nagbibigay ligaya sa kanya.

Kung ako rin ang seller ng Beautederm talagang work hard ako dahil ima­gine mo, meron kang bonus na trip abroad ‘pag nakapagbigay ka ng magandang sales, bongga, ‘di ba!

Kaya gulong-gulo siya sa pagbo-booking ng flights para sa kanyang top sellers.

Naku, kaya pala excited si Mr. Fu na maging host sa events ng Beautederm, kasi nga may bonus na trip abroad. Hay, sure ako, ‘pag absent si Mr. Fu sa Take It! Take It! Me Ganon?!, sumama siya sa trip ng Beautederm, dahil love naman siya ni Rhea Tan.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with