^

Pang Movies

Aktor, naghahasik ng kanegahan sa taping

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinag-uusapan na pala ng ilang production staff itong magaling na aktor na sobra rin daw ang attitude sa taping.

Karamihan kasi sa lock-in tapings ay naging close ang mga artista at production staff. Pero dito kay magaling na aktor ay hindi.

Talagang naghasik daw ng kanegahan sa set, kaya ewan ko lang kung kukunin pa siya uli.

Sana ma-realize nitong aktor na hindi lang galing sa pag-arte ang dapat na baunin mo sa trabaho, kundi ang maayos na pakikisama sa mga nakakatrabaho mo.

Sana bumawi siya pagdating ng promo ng programa niya.

Tingnan natin!

Miles, hindi pinayagan ni Maja sa GMA teleserye

Medyo curious lang kami kung bakit hindi nagkakaroon ng partnership sa GMA 7 ang Crown Artist Management ni Maja Salvador.

Dapat ay noon pa ay nagkakaroon ng deal kay John Lloyd Cruz bilang exclusive artist ng GMA 7, pero hindi ito nagma-materialize.

Sabi lang daw ni John Lloyd, para maiba naman ay mas mabu­ting wala muna siyang network contract sa GMA 7 o kahit saan mang network.

Pero nagkakaroon naman ng pag-uusap kung ano ang susunod na gagawin niyang project sa Kapuso network.

Ang isa pang narinig namin ay ang kay Miles Ocampo na meron sanang inaalok na soap para sa kanya, pero hindi natutuloy.

Sabi lang ni Miles nang nakatsikahan ito ni Kuya Joe Barra­meda sa taping ng Happy ToGetHer sa Fairways and Bluewater sa Boracay, meron daw dapat siyang gagawing drama series sa Kapuso network, pero sinusunod niya siyempre ang kanyang manager sa Crown Artist. “May gagawin po sana akong soap with them.

“I am thankful that they considered me and ‘yung director po ng show ay may tiwala sa akin to do it. But of course, I have my management to decide what’s best for me also. For now, I’m doing Happy ToGetHer and Eat Bulaga po.”

Nagpapasalamat si Miles na napakabait daw sa kanya ng mga kapwa Dabarkads sa Eat Bulaga, kaya kaagad na nakapag-adjust siya at at home na at home na siya. “Sobrang bait po nilang lahat dun. Artista, staff, crew, even ‘yung mga guards po sa APT sobrang bait nila talaga.

“First day ko palang sinasabi nila po na bumanat lang ako ng jokes at huwag akong mahiya. Pero siyempre I’m observing muna hanggang sa comfortable na po akong mag-joke kasi kahit waley, sasaluhin ka po talaga nila,” natatawa niyang kuwento.

Hindi pa niya makalimutan nung nagkita raw sila nina Tito Joey de Leon at Vic Sotto na sobrang hinahangaan niya. Hindi raw niya akalaing makakasama niya ang mga hinahangaan niya sa isang trabaho. “Nung last Saturday nga po, we celebrated Bossing’s birthday. First time po na nakasama ko sila sa studio and surreal feeling to be on the same stage with Bossing and Boss Joey. Starstruck po talaga! Never ko naisip na makasama ako sa grupo nila. Such an unexpected blessing,” masayang tsika ni Miles.

Kaya naman naging emotional na siya nang sinelebrayt naman ng Eat Bulaga ang birthday niya sa naturang daily noontime show. “Kasi naman po, after 18 years in the industry, first time ko po nabigyan ng birthday prod and birthday celebration sa TV.

“When I celebrated my birthday po sa Eat Bulaga, saktong one month ko po nun as dabarkad. Touched ako po sa love and importansya na pinaramdam nila sa akin,” seryosong pahayag ni Miles. 

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with