^

Pang Movies

Iya, tinuruan ni Vicky na magtago ng baby bump

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Iya, tinuruan ni Vicky na magtago ng baby bump

Balik-studio ng 24 Oras si Iya Villania para sa Chika Minute, pero sabi ni Mel Tiangco, hindi rin matagal na makakasama nila si Iya dahil malapit na itong mag-leave uli. She is pregnant with her and Drew Arellano’s baby, kaya pansamantala na mawawala ulit ito.

In fairness kay Iya, madaling magbuntis at mabilis ding manganak, kaya mabilis din ang recovery. Kaya after a few months, muli siyang mapapanood sa Chika Minute. Naturuan ni Vicky Morales si Iya kung paano itago ang kanyang baby bump, kaya hindi masyadong takaw-pansin ang malaking tiyan.

Pang-apat na baby na nina Iya at Drew ito, baby boy uli ang kanyang isisilang at right timing na nagpapagawa sila ng bahay ni Drew, kailangan nila ng spacious house for their four kids.

And speaking of Iya, panalo ang pinost nitong photo sa kanyang Instagram na naka-swimsuit siya. Maternity Shoot daw niya ito at ang kaibahan sa maternity shoot ng ibang celebrities, unmade up si Iya at pawisan pa at galing yata sa workout. “For those of you who know me, I’m quite conservative so to see me in a swimsuit must mean I’m confident and for some reason, it’s when I’m pregnant that I feel my sexiest and most confident. Not long before we meet the little man inside my belly. 6 more weeks!!! #Arellano4ComingVerySoon.”

Nag-comment si Drew ng “Bahala ka! Mabubuntis ka na naman nyan eh!” na sinagot ni Iya ng “Talaga lang ha??? Sure ka??” na ikinatuwa ng mga nakabasa.

Herlene, emosyonal sa tawag ni Willie

Ang balita ni Herlene Budol na tinawagan siya ni Willie Revillame nang makapasok siya sa Top 40 ng 2022 Binibining Pilipinas. “After ako ma announce na Official Candidate ng Binibining Pilipinas 2022, tumawag sa akin si Kuya Willie Revillame para e congratulate ako. Masaya na may halong iyak ako habang kausap ko sya sa phone dahil cya ang humulma sa akin at sobrang proud cya sa akin at natutuwa po cya sa akin kasi lagi ko daw cya ina-acknowledge! Di ko raw cya nakakalimutan! Siempre naman alagang Wowowin si Hipon Girl. Nag-gain ako ng popularity dahil  pag-join ko sa Wowowin segment  ‘Willie of Fortune’ tapos cya din nakakita sa aking potential at ginawa akong regular host dahil sa kakulitan at funny jokes ko!” pagmamalaki ni Herlene.

Sa mga nagtanong kung bakit nag-iba ang mukha ni Herlene, ang sagot ng kanyang supporters, kasi inalis na ang braces niya at sumailalim siya sa rhinoplasty o inayos ang kanyang ilong. Hindi pa natatanong si Herlene tungkol sa rhinoplasty at kung totoo man, hindi siguro nito itatanggi.

Samantala, dahil busy sa paghahanda sa 2022 Bb. Pilipinas, hindi muna makakapag-guest si Herlene sa shows ng GMA 7 na kung saan, contract star siya ng Sparkle GMA Artist. Kaya ang False Positive muna na premiere sa May 2, ang last series na siya’y mapapanood. 

Janella at Patrick, may koneksyon

May konek pala sina Janella Salvador at Patrick Sugui, half-siblings sila dahil ang dad ni Janella na si Juan Miguel Salvador ay partner ngayon ng mom ni Patrick. Kaya hindi lang daw basta friends sina Janella at Patrick at hindi lang ‘yun ang rason kung bakit isa si Janella sa bridesmaid sa kasal ni Patrick kay Aeriel Garcia.

Matagal nang hiwalay ang parents ni Patrick at hindi na nga nababanggit ang kanyang ama, kaya ‘wag na rin nating pakialaman. Saka, matagal na rin ang relasyon ng mom ni Patrick kay Juan Miguel na ‘wag na rin nating pakialaman.

Tahimik na sana ang wedding nina Patrick at Aeriel kundi lang sa isyu na hindi naka-attend sa wedding ang friend nilang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.   

vuukle comment

IYA VILLANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with