^

Pang Movies

Lorna, nakabili ng property sa Ilocos!

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkatapos ng eleksyon ay babalik na sa taping sa Ilocos Sur ang buong team ng Ang Probinsyano.

Ang latest na nasagap namin, maaring ito na ang huling taping nila. Pero hindi naman kinumpirma kung kukunan na ba ang ending.

Wala pa naman daw sinasabi sa mga artista.

Pero may kuwento pa kasing, ang Darna na raw ang ipapalit.

Wala pa namang na-finalize, kaya hindi pa masasabi kung talagang tatapusin na ba itong napakahabang kuwento ni Cardo Dalisay na gina­gampanan ni Coco Martin.

Nakaka-text ko nga minsan si Lorna Tolentino at sobrang kampante na raw siya roon sa Ilocos.

Totoo kayang may nabili nang property ang ilan sa mga artista doon?

Sabi nga ni Lorna sa akin, Ilokana na raw siya ngayon.

Sa katunayan ay endorser na siya ng Ako Ilocano Partylist, dahil sa tagal niya roon at gustung-gusto na niya ang Ilocos.

Mommy Dionisia, sumama na sa kampanya

Sa totoo lang puspusan na nga ang pag-iikot ngayon ng mga partylist.

Masigasig ngayon sa pangangampanya ang mga partylist para makakuha ng ilang seats sa Kongreso.

Isa sa masipag sa pag-iikot ay si Madam Kathryna Yu-Pimentel.

Mainit ang pagtanggap sa kanyang PDP Cares Partylist nang sumama ito sa grand rally ng partido ng presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao na ginanap sa Pinaglabanan sa San Juan City nung nakaraang Sabado.

Todo ang suporta sa kanya ng pamilya Pacquiao, dahil naniniwala sila sa adbokasiya ng PDP Cares.

Nakakaaliw ang endorsement sa kanya ni Mommy Dionisia Pacquaio na ipinaalala niya, “PDP ‘Kers’ Partylist, number 8 sa balota. Huwag kalimutan!”

Isa sa ipinapalaganap na adbokasiya ng PDP Cares ay ang suporta nila sa mga ina, lalo na ang mga apektado ng pandemya.

“We will never know up to when we will still be alive. We must help while we can, and as many people as we can. Tulong lang ng tulong,” pahayag ni Kathryna Yu-Pimentel.

Nakipag-ugnayan na rin si Kathryna sa United Nations para suportahan ang United Nations Sustainable Development Goals (SDG).

Aniya: “If we win, we will form legislation to push the SDG agenda, particularly the protection of the environment.”

Maganda ‘yan!

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with