^

Pang Movies

Tonton, naibahan sa false positive

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Tonton, naibahan sa false positive

Ang ganda talaga ng romcom na False Positive. Isa ito sa paboritong ginawa ni Tonton Gutierrez sa GMA 7 kasama sina Xian Lim at Glaiza de Castro.

Kakaiba raw ang tema ng serye kaya maganda. Dapat nga ay noon pa ito ipinalabas pero talagang pinili nila ang magandang petsa.

Ibang-iba raw ang comedy nito sabi ni Tonton, hindi hard sell at talagang situational comedy ang dating.

Ginawa ito bago pa ipinakilala ni Glaiza ang fo­reigner husband niya kaya talagang inspired na inspired siya habang ginagawa ang False Positive.

Puring-puri ni Tonton ang lahat ng kasama sa serye kaya naman excited na kami na panoorin ito.

Tonta… bongga!

Naloka ako talaga sa BFF ni Jun Nardo na si Rosanna Hwang ha.

Nagpadala siya ng isang t-shirt ng ginawa niyang movie na The Women of Tonta Club, kulay pink at itim, size small. Uulitin ko, one shirt ha, ipinadala sa napakalayong bahay ko sa Fairview na ang hirap hanapin lalo ‘pag gabi dahil parang probinsiya na madilim ‘pag night time, hah hah.

Awang-awa ako sa rider na naghatid na ilang beses tumatawag sa phone para makuha ang location.

Ewan ko ba kung bakit parang precious na precious ang small size na t-shirt ng The Women of Tonta Club, na kailangan talagang ihatid kahit gabi na. Character talaga ang producer ni Jun Nardo, kailangan ang matagal na briefing para malaman ang kalakaran ng showbiz.

Buti na lang at si Jun Nardo ang friend niya, kundi naloka na ako na ‘nagulo’ dahil sa delivery ng one t-shirt. Hay naku, alam ko na bakit Tonta ang title ng movie, talagang magiging member ka nito ‘pag na-encounter mo si Rosanna Hwang, bongga siya, kaya pala mas dumami ang puting buhok ni Jun Nardo.

vuukle comment

TONTON GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with