^

Pang Movies

Julie Anne, lalong humuhusay

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Julie Anne, lalong humuhusay

Muntik ko nang malimutan ang request ng fans ni Julie Anne San Jose na isulat ko ang Limitless concert niya na magkakaroon ng third installment.

 Bongga si Julie Anne ha, lahat ng concert niya musical trilogy niya sold out at talagang suportado ng followers niya.

Habang tumatagal lalo pang humuhusay si Julie Anne kaya naman lalo pa siyang minamahal ng followers niya. Huwag ninyong kalimutan, watch Julie Anne San Jose sa last presentation ng Limitless na talagang habang tumatagal lalo pang nagiging exciting at husay ang bawat pagtatanghal.

Bryan, pursigido sa bagong career

Maganda ang mga sagot ni Bryan Revilla sa mga tanong ng showbiz writers nang humarap siya sa isang meet and greet kamakailan. Talagang feel mo na mature ang isip niya at handa na siyang humarap sa anumang career na pipiliin niya.

Sa kanila ngang dalawa ni Jolo Revilla, parang mas aggressive si Jolo pagdating sa pinipili niyang career, mas huli si Bryan sa pagpasok dahil nga siguro nag-give way siya sa mas batang kapatid. Ngayon, pursigido na si Bryan patunayan na kaya niya ang kahit anong career na pipiliin bilang first nominee sa Agimat Partylist.

Agimat din ang dala niyang lucky charm na minana nilang lahat sa kanilang lolo na si Ramon Revilla Sr. Pamilya sila ng Agimat kaya naman siguro may anting-anting sila sa anumang pinapasok nilang profession.

Bongga si Bryan ‘Agimat’ Revilla. Kayang-kaya niyang gawin ang trabaho na ibibigay sa kanya.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with