^

Pang Movies

Snooky, nakahanap ng ikatlong glorya!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Snooky, nakahanap ng ikatlong glorya!

Personal naming nasaksihan ang marriage proposal ng businessman at dating board member at vice governor ng Bulacan at ngayon ay congressional candidate sa ika-6th district ng Bulacan (Norzagaray, Sta. Maria & Angat) na si Ramon ‘Mon’ Villarama sa dating child star na si Snooky Serna na isinabay sa ika-56th birthday ng aktres last April 4, Tuesday. Ito’y ginanap sa bahay ni Mon in Angat, Bulacan. 

Bukod sa inyong lingkod, ito’y nasaksihan din ng dalawang anak ng actress sa ex-husband nitong actor na si Ricardo Cepeda na sina Sam at Sachi, brother ni Snooky na si Anton Serna, pamangkin at ang kanyang Tita Eden. Naroon din ang ilang kapatid ni Mon at ilang kaanak maging ang coordinators at supporters ng tumatakbo sa pagkakongresista na si Mon.

Need to cut short my stay in Baguio para lamang hindi ko mapalagpas ang isang napakamahalagang okasyon sa buhay ng magkasintahang Snooky at Mon dahil itinuturing kong anak-anakan ang dalawa.

Sa kabila ng matinding traffic, we have to brave our way to Angat, Bulacan na first time naming narating.  Ang nakakatuwa, lahat ng mga taong naroon sa birthday celebration ni Snooky ay napaka-warm. Agad naming namataan doon si Tita Eden, ang butihing maternal aunt ni Snooky na siyang nag-alaga sa kanya at kasa-kasama niya magmula nang siya’y pumasok sa pag-aartista at age four.

Inakala namin na alam na ng pamilya nina Snooky at Mon ang magaganap na proposal that evening pero hindi pa pala kaya nabigla rin ang mga ito but they were happy for the engaged couple.

Since hindi nakarating si Direk Bam Salvani (ng GMA) sa nasabing okasyon, ang inyong lingkod na ang nakialam sa arrangement. Tinawag namin ang family ni Snooky maging ang mga kaanak ni Mon sa magkabilang side ng couple. Inakala ng mga ito at ni Snooky mismo na kakantahan lamang siya ng ‘Happy Birthday’ song ng mga taong naroon at saka niya ibu-blow ang candle sa cake at saka nagpasalamat ang aktres. When it was Mon’s turn na magsalita, inabutan niya ang aktres ng isang arm bouquet of flowers at isang heart-shaped red box na naglalaman ng engagement ring na isusuot sa kanya ng kanyang nobyo.

Sa harap ng lahat, binuksan ng aktres ang heart-shaped red box at tumambad sa kanya ang isang small jewelry box na naglalaman ng singsing. Doon pa lamang ay hindi na maipaliwanag ang reaction ni Snooky. Kinuha ito sa kanya ni Mon sabay luhod at saka sinambit ang  katagang “Will you marry me?” at saka isinuot ang singsing sa daliri ng aktres.

Hindi na napigilan ang pagiging emotional ni Snooky at pagkatapos ay saka ito nakasagot ng “Yes.” Napaluha rin ang kanyang Tita Eden at tuwang-tuwa naman para sa kanya ang kanyang dalawang anak, kapatid at pamangkin gayundin ang mga kaaanak ni Mon.

Having been married twice na parehong nauwi sa hiwalayan, hindi inakala ng aktres na may darating pang ikatlong pagkakataon sa kanya.

“Sana ito na ang pangatlo at huli akong ikakasal,” sambit pa niya.

“Sana pang-forever na ito,” dugtong pa ng aktres.

Pagkatapos ng proposal ay saka naman lumabas ng bahay ang lahat including the new engaged couple para naman tunghayan ang fireworks display.

Kung si Snooky ay dalawang beses nang ikinasal, si Mon naman ay never pang ikinasal kaninuman although may dalawa siyang grown-up sons sa magkaibang babae. Ang kanyang mga anak ay nasa Amerika.

Samantala never inakala nina Snooky at Mon na magkakaroon ng second chance ang kanilang relasyon. Bago pa man dumating sa buhay ni Snooky ang kanyang first husband na si Ricardo Cepeda ay naroon na si Mon. Tuluyan lamang nagkahiwalay ang dalawa nang dumating si Ricardo na nauwi sa kanilang pagpapakasal in 1992 pero sila’y nagkahiwalay nung 2006. Ten years later ay muling nag-asawa si Snooky sa vocalist ng isang rock band, ang Blue Jean Junkies na si Nino Mendoza but after a couple of years ay nagkahiwalay din sila.

Seven years ago, muling nag-reconnect sina Snooky at Mon sa tulong ng social media. Nasa Amerika siya to visit his two sons nang hawakan ng isa niyang anak ang kanyang mobile phone at nag-browse. Nagkataon na lumabas ang Facebook account ni Snooky at ini-add niya ito without the knowledge of his dad. Nang makita ni Snooky ang friend request ni Mon, in-accept niya ito at pinadalhan ng message at doon na nagsimula ang komunikasyon ng dalawa.

“It was God’s will,” deklara ni Mon who got reconnected with Snooky after 30 years.

Para talaga sa isa’t isa sina Snooky at Mon.

vuukle comment

SNOOKY SERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with