^

Pang Movies

Maymay, inaming nakaalis na sa ‘toxic’ na ex

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Maymay, inaming nakaalis na sa �toxic� na ex

Muling nakita ang boyfriend ni Maymay Entrata sa post niya habang nagti-taping para sa MTV Asia. Kasama niya ang bofriend sa taping ng MTV Jammin’ at umasa na lang ang fans ni Maymay na may cameo ang boyfriend nito.

Ang ganda ng mga comment sa post na ito ni Maymay, blooming daw siya, dalaga na siya, gwapa  at sa comment ni Jayda na “you’re glowing ate!!!” parang may meaning ang sagot ni Maymay na “Yes bebe kasi hindi “toxic” eh.”

Ang pinakamagandang comment na nabasa namin ay ang nagsabing lalong gumanda si Maymay noong nasa tamang lalake siya. May pa-shade rin si Ate, alam na kung sino ang gusto niyang tukuyin.

Tom, lalayasan na ang showbiz?!

Hindi na mahanap ang Instagram account ni Tom Rodriguez, deactivated na ang IG niya, hindi na lang ang comment box ng IG niya ang disabled na ilang weeks nang ganu’n ang status. This time, tuluyan nang deactivated na tiyak, ikinalungkot ng fans nila ni Carla Abellana.

At this point, parang malabo na ngang maayos pa ang problema nina Tom at Carla, lalo na kung hindi sila nakakapag-usap. Lalo pang nagulo ang sitwasyon ng dalawa nang sumali sa isyu ang ama ni Carla na si Rey Abellana. Kahit binawi ni Rey ang unang sinabi, damage has been done, mas lumala ang sitwasyon ng mag-asawa.

Umaasa ang fans ni Tom na hindi pa rin ito mawawalan ng pag-asang magkaayos pa sila ni Carla at ‘wag pababayaan ang kanyang career. Last Sunday, nasa All-Out Sundays pa rin siya at may gagawing teleserye sa GMA 7. Dasal ng TomCar fans, hindi maisip ni Tom na iwan ang showbiz at bumalik sa Amerika sa piling ng kanyang pamilya.

Rayver, tinawag na paasa ng fans

Kung may mga kinilig sa Twitter post ni Rayver Cruz na picture nila ni Julie Anne San Jose na pareho silang may hawak na gitara at parang rehearsal sa production number nila sa katatapos na concert ni Julie at may caption na My teacher,  may mga inis din sa Kapuso actor.

Paasa raw si Rayver sa fans nila ni Julie, bakit daw hindi pa nito tumbukin kung nililigawan o liligawan niya si Julie. Hindi raw ba nito alam na passé na ang lagi niyang isinasagot na “What you see is what you get.”

May tumawag pang unsure, indecisive at nagpa-fan service lang si Rayver at ayaw lang mawala ang kilig ng fans sa kanila ni Julie.

Obvious bang nagmamadali ang fans na malaman ang real score sa dalawa. Nakalimutan ng fans na ilang buwan pa lang nag-break sina Rayver at Janine Gutierrez, hindi ba puwedeng hayaan muna nating makahinga si Rayver at makapag-move on?

Anyway, matagal hindi magkikita sina Rayver at Julie dahil nasa lock-in taping si Rayver ng Bolera, ang primetime series nila ni Kylie Padilla kaya siguro naman, makapaghihintay ang puso ni Julie at maging ang kanilang fans.

vuukle comment

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with