^

Pang Movies

Mga partylist, kailangan ng name recall

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga partylist, kailangan ng name recall

Malaking bagay para sa Ang Probinsyano Partylist at sa Ako’y Pilipino ‘yung presence ng big stars. Bongga ‘yung Ang Probinsyano na merong Piolo Pascual, JM de Guzman at Boy Abunda, si Ako’y Pilipino naman merong Coco Martin at Yassi Pressman kasama pa si Julia Montes.

Ang lalaki ng stars nina Cong. Alfred de los Santos at Cong. Ronnie Ong kaya naman tiyak na ang dami ng supporters ang nasa kanila. Sa name recall ang daling tandaan ng Ang Probinsyano at Ako’y Pilipino. Meron lang problema dahil ang dami pala ng gumagamit ng Probinsyano ngayon kaya marami na rin ang nalilito.

Itinatagong talent, biglang nagagamit

Siguro nga, Salve, kung minsan ‘yung chance mong ipakita ang natatago mong talent bigla na lang dumarating.

Naalala mo si Nini Rubio ng team Villar noon? Nag-retire siya sa politics at ngayon ay nag-bake ng cakes and pastries ha. Natikman ko ang cake niya dahil kay Cong. Niña Taduran na number 1 niyang customer dahil sa kanya nag-order ng cake para sa friends nito.

Maganda ang packaging at very tempting sa mata ang mga ginagawang cake ni Nini kaya naman tuwang-tuwa ang nakakatanggap. At according to Cong. Niña, very reasonable ang presyo kaya naman hindi masakit sa bulsa. Totoong masarap kaya buti na lang at na-discover ang talent ni Nini sa baking, now meron na tayong madaling tawagan para sa order ng masarap, maganda at murang cake, si Nini Rubio.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with