^

Pang Movies

Arci walang planong mangampanya!?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Tinag ni Arci Muñoz ang mom niya sa post niyang rumampa siya sa LA Fashion Week at may caption na “Ma! @mommychooky Look! Yer daughter opening #lafashionweek in a @kennethbarlis_official thank you ken!!”

Napa-wow! ang followers/fans ni Arci sa bago na naman niyang feat globally at tinawag siyang kabogera at fabulous. Marami rin ang nag-congratulate sa kanya at may mga nag-post ng fire emojis na ibig sabihin, hot siya.

Kamakailan lang, kumanta si Arci sa opening ng isa ring fashion show at nag-cover din siya ng Now magazine. Lahat ng posting ni Arci sa Instagram, nasa Los Angeles, California siya, ibig bang sabihin nito, LA-based na siya at uuwi na lang ng Pilipinas kapag may project siya rito?

Kaya lang, hindi ba tumatakbo siyang konsehal sa Cainta? Hindi yata nangangampanya si Arci at mukhang mananalo siya nang hindi nangangampanya.

Mike, pasok sa presidential debate

Kasama ang larawan ni Mike Enriquez sa larawan nina Vicky Morales, Pia Arcangel, at Mel Tiangco sa teaser ng GMA Public Affairs para sa gaganaping Debate 2022: The GMA Presidential Face-Off. Mangyayari ito sa April 30, Saturday, 6:15 p.m. sa GMA 7. Ibig bang sabihin nito, balik-trabaho na si Mike? Kung totoo ito, ang nasabing debate ng presidentiables ang hudyat ng kanyang pagbabalik at pagiging active uli sa trabaho.

Kim, nag-ty kay John Lloyd

Nag-guest si Kim Domingo sa Happy ToGetHer, ang sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA 7, naaliw ang Kapuso viewers sa dalawa, lalo na sa mga eksenang magkasama sila. May chemistry daw sina JLC at Kim at may nagre-request na sa season 2 ng sitcom, gawin ng regular si Kim, tutal ang Bubble Gang lang naman ang show niya sa GMA 7.

May mga nag-comment na bagay sina JLC at Kim, pinusuan ang tamblan nila, maganda raw silang love team at kahit sa pelikula, puwede silang magtambal. Kung nabasa ‘yun ni Kim, tiyak na natuwa ito at napansin ang chemistry nila ni JLC.

Sobra naman ang pasasalamat ni Kim sa chance na makatrabaho ang actor. “Grateful to have had the opportunity to work with the one and only @johnlloydcruz83 My forever best actor” at pinost ni Kim ang photo nila ni JLC sa

kanyang Instagram.

Angelica, nag-maternity shoot

May maternity shoot ang preggy na si Angelica Panganiban kasama ang boyfriend na si Gregg Homan at si direk Andoy Ranay ang director. Sa dagat ang maternity shoot ng dalawa at kasama sa kinunan ang sonogram result ni Angelica.

Sabi ni direk Andoy, “I am so happy para sa inyong dalawa @angelicap & @gregg_homan at sa magiging pamilya ninyo. I’ll always be here for you guys kahit ayaw nyo na! Hahahaha! Love you guys!”

Biniro ni Agot Isidro si direk Andoy na videographer nina Angelica at Gregg. Ilang buwan na kaya ang ipinagbubuntis ni Angelica? Hindi nababangit, pero malaki na ang tiyan ng aktres, nagpaparamdam na ang baby sa kanyang tummy.

vuukle comment

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with