^

Pang Movies

Calista, kinaiinggitan agad!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Calista, kinaiinggitan agad!

Iyon palang all-girls group na Calista ay isang group of girls na kumakanta na, sumasayaw pa. Kaya pala balitang ang daming naiinggit sa girl group na ito dahil sandaling panahon lang nasa top na agad at nakilala agad kaya naman ang dami raw talagang booking nito at publicity ngayon.

Hindi naman kataka-taka, kasi marami talagang excited ma-meet ang Calista na noon pa man curious na kung bakit laging pinag-uusapan ang galing sa pagsayaw at pagkanta ng grupo.

Kathryna, tuluy-tuloy ang pagtulong sa mga nanay

Sayang, Salve, wala ka sa lunch namin nila Kathryna Pimentel ng PDP Cares Partylist (number 8). Talagang nag-enjoy kami nina Pat-P Daza, Gorgy Rula, at ang self-appointed PR niya na si Bernard Cloma.

‘Kaloka talaga na inabot ng almost three hours ‘yung lunch sa rami ng pinag-usapan. ‘Yung ginagawang advocacy ni Kathryna Yu-Pimentel noon pa na feeding ng mga batang homeless o indigent, ‘yung mga pagtulong sa mga babae na magsisilang ng anak na hirap makakuha ng medical help. Katulong din niya ang brother na si Joseph Yu na 3rd nominee sa partylist sa lahat ng advocacy na ginagawa niya kaya napapagaan ang trabaho.

Bagay sa pulitika ang mga bagong dugo at mga bata pang tulad nina Kathryna at Joseph dahil talagang puno ng energy at very fast worker sila. Ang sarap pakinggan ng mga gusto nilang pagtulong para mapagaan ang hirap ng tao, punung-puno sila ng ideas na talagang ‘pag ginawa marami ang gagaan ang buhay.

vuukle comment

ENTERTAINMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with