^

Pang Movies

Ronnie, naging friends na sina Coco, Yassi at Julia

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ronnie, naging friends na sina Coco, Yassi at Julia

Excited ako sa lunch namin nila Pat-P Daza at Kathryna Pimentel.

Sa gitna ng napaka-hectic sked niya talagang isiningit niya iyon lunch date para makipag-kuwentuhan sa amin.

Siguro nga, talagang kung minsan kailangan din nila ang rest sa kampanya at maiba naman ang usapan dahil sa pagod at ang iba naman tema ng mapag-uusapan.

Napaka-well rounded at maraming alam sa lahat ng bagay ni Kathryna kaya tiyak na mag-eenjoy kami sa chicahan meeting namin.

Looking forward at very honored na ma-invite sa lunch ng isang lady na tulad ni Kathryna Pimentel.

Samantala, for a long time hindi ko nakita si Cong. Ronnie Ong.

Kaya tuwang-tuwa ako nang makita namin siya sa Supersam kahapon, ang paboritong meeting place ngayon ng lahat dahil sa masarap at reasonable price ng food nila, plus mabait at mabilis na service.

Talagang hindi nagbago ang kabaitan at PR ni Ronnie Ong na tumatakbo ngayon bilang first nominee ng Ako’y Pilipino  partylist. Talagang nung una pa lang, nagtaka kami na pumasok sa pulitika si Ronnie kasi nga alam namin na gusto lang niya nasa sideline siya na lihim na tumutulong, ayaw ipagsabi ang mga mabuting ginagawa niya.

Kaya hindi nga nakapagtataka na nakuha niya ang loob at maging close friends nila Coco Martin at Yassi Pressman at pati si Julia Montes na sumasama sa mga motorcade at house to house niya.

Marami kasi ang nakakaalam sa kabaitan ni Ronnie kaya naman lahat nagdarasal na sana ay manalo siya.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with