^

Pang Movies

Maine at Alden, tigilan na kasal na noon pa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Maine at Alden, tigilan na kasal na noon pa!

Nadamay pa ang isang entertainment website dahil sa kanila lumabas ang fake news na inamin na raw nina Alden Richards at Maine Mendoza na kasal na sila. Naka-banner pa raw ito sa nasabing entertainment website.

May mga naniwala sa fake news, na actually matagal nang balita at may AlDub fans pa ring  naniwala.

May nagkorek naman sa balita dahil hindi raw 2017 ikinasal sina Alden at Maine kundi noong Oct. 22, 2016.

May nag-comment naman na edited lang ang nasabing balita, pero kahit edited, marami pa rin ang natuwa at thankful sila na na-save nila ang item bago ma-delete ng nasabing entertainment website.

Lumabas ang balitang ito days before Maine’s birthday, inunahan ang anumang balita kina Maine at Arjo Atayde. Pero walang nakapigil sa magdyowa, nag-celebrate pa rin ng birthday ni Maine at may very sweet birthday message si Arjo sa GF. Kinakiligan ang mensahe nitong, “Mahal na mahal kita... looking forward to celebrating all your birthdays with you! Happy Happy Birthday, Baba.”

Bea, pinalitan si Nadine

Si Bea Alonzo na ang kasama ni Alden Richards na endorser ng canned tuna brand, pinalitan ni Bea si Nadine Lustre na kasama ni Alden last year. Comment ng fans ng dalawa, nauna pa ang nasabing brand ng canned tuna na pagsamahin ang dalawa dahil ang TV project nila sa GMA 7 na Start-Up, sisimulan pa lang.

Uunahin daw tapusin nina Bea at Alden ang TV series bago gawin ang movie nila.

Habang wala pang pelikula at TV series, sa TVC ng canned tuna brand muna mapapanood sina Alden at Bea.

KC, ‘di magtatagal sa ‘Pinas

Nakabalik na pala sa bansa si KC Concepcion, kaya ‘wag magugulat ang supporters ni Sen. Kiko Pangilinan kung makita na lang si KC sa campaign sortie ng kanyang stepdad. Mas matutuwa pa ang supporters ni Kiko kung makita nilang sabay sa kampanya ni Kiko sina KC at Sharon Cuneta.

Sa video ni KC, nabanggit na eight months siya sa LA at ipinaalam na hindi siya magtatagal dito (limited time only) lang siya rito at babalik din sa LA siguro.

Anyway, pinusuan ni Kiko ay may emojis pang fire burning ang post ni KC na family picture nila at may caption na “Maraming salamat, Pilipinas, mula sa puso ng aming pamilya. The support coming from the ground is something our parents have never seen since 1986. Mahal namin kayo” at naka-tag sina Kiko at Sharon.

Kris, kontrabida

Gaya ni Kris Bernal, kontrabida rin ang role ni Mike Tan sa Artikulo 247 at bilang si Julian, siya ang longtime lover ni Klaire (Kris) at isa siyang master manipulator at utak ng mga kasamaan ni Klaire.

First time magtatambal ang dalawa at isa ito sa “first” ng crime and passion series sa direction ni Jorron Monroy na premiere this Monday, March 7 at mapapanood pagkatapos ng Little Princess. First time rin magtatambal sina Kris at Mark Herras na gaganap ding boyfriend ni Kris sa iba nitong katauhan.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with