^

Pang Movies

Nadia, walang planong tantanan ang mga nagnakaw sa kanyang ina habang nasa sosyal na supermarket!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nadia, walang planong tantanan ang mga nagnakaw sa kanyang ina habang nasa sosyal na supermarket!              

Nalimas ang pera ng nanay ni Nadia Montenegro matapos manakawan sa loob ng isang membership-only retail warehouse club chain last March 2.

Makikita sa Instagram page ni Nadia ang kanyang live video habang nasa loob ng membership shopping store at pinaiimbestigahan ang pangyayari.

Apparently ay sumugod ang dating aktres sa membership shopping store matapos siyang tawagan ng kapatid na si Tanya Montenegro na siyang kasama ng ina na namimili.

Sa video ay ikinuwento ni Nadia kung paano nabiktima ang kanyang ina sa loob ng warehouse mismo na in just three minutes ay nalimas ng mga kawatan ang pera ng ina sa bangko.

“Hi, guys. I hardly do this. Actually, I don’t like doing this but I’m very, very scared at the moment. We are here at (membership shopping store) in Novaliches. Yes, a membership club.

“Unfortunately, an hour ago, my sister called me. She was here with my mom at (membership shopping store) shopping. And unfortunately, Tanya called me to say that my mom’s wallet was stolen by 7 people who entered as members (of the store),” simula ni Nadia.

Aniya ay iyak daw nang iyak ang kanyang ina dahil nga sa isang iglap ay nawala lahat ang pera nito. In just three minutes daw ay na-withdraw na agad ng mga magnanakaw ang laman ng bank accounts ng mommy niya.

“What they did was immediately call the banks for the ATM cards stole inside her wallet. And in three minutes, from locking the door to calling the bank, ubos ang pera ng mommy ko. Her retirement fee, everything. Her money in Bank of America, her money in BDO, everything gone. In three minutes,” ani Nadia.

Umabot daw sa P130,000 ang lahat ng perang nakuha sa kanyang ina.

Kinukuwestiyon ni Nadia ang security ng membership shopping store dahil paano raw nakapasok ang pitong tao with just one membership card.

“My mom is a senior and she’s crying because she was terrified because we thought we’re protected inside a membership (shopping store), hindi pala ganu’n,” she said.

Pinaiimbestigahan ni Nadia ang insidente at aniya ay talagang hindi niya ito titigilan dahil kailangang matigil ang pambibiktima ng mga magnanakaw na ito.

Sa sumunod na update ni Nadia sa Instagram ay sinabi niyang nakuha na raw nila ang CCTV sa membership shopping store at na-identify na rin nila ang dalawa sa pitong kawatan.

Sa CCTV ay nakita nila kung gaano raw kabilis kumilos ang mga magnanakaw na habang ang lima ay nakakumpol pa sa kanyang ina, ang dalawa naman ay nagwi-withdraw na ng pera ng mommy niya sa ATM sa labas.

Hindi na raw niya hangad na mabalik pa ang pera ng nanay niya pero nais niyang matigil ang ganitong pangyayari at maging safe ang mga shoppers sa pamimili. “I don’t want the money back, my mom’s safe, that’s fine. I am after our safety. Just the fact that we can’t even be safe in (membership shopping store), we can’t even be safe anywhere anymore,” she said.

“I’m not gonna put a stop to this. It’s not the money I’m after. Kung mababalik, salamat Lord. ‘Pag hindi, pero this has to stop. This has been happening na pala for a long time inside this establishment,” aniya.

vuukle comment

NADIA MONTENEGRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with