^

Pang Movies

Julia at Coco, may na-reveal sa regalo sa anak nina Mccoy at Elisse   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Julia at Coco, may na-reveal sa regalo sa anak nina Mccoy at Elisse              

Dalawa pala sa ninong at ninang ng baby nina Mccoy de Leon at Elisse Joson sina Coco Martin at Julia Montes.

Na-reveal ito sa Instagram Stories ni Elisse nang mag-upload siya ng photo ng separate gift nina Julia and Coco with matching card. “To our inaanak Felize, welcome to the Christian World. May God protect you always and know that you are one lucky baby to have your parents,” ang mababasa sa card ni Julia.

Ang nakakaintriga, parehong-pareho ng box ang regalo nina Julia and Coco although magkaiba naman ng message sa card.

“To our inaanak Felize, welcome to the Christian world. Ngayon pa lang marami na nagmamahal sayo,” ang nakalagay sa card ni Coco.

Take note na pareho ang opening nila na “to our inaanak Felize.”

Naganap ang binyag ni baby Felize last Feb. 27.

Sina Elisse at McCoy ay matatandaang naging parte ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ara, ayaw munang lumobo ang tiyan

Natapat sa araw ng eleksyon ang kaarawan ni Ara Mina which is May 9 kaya ang hiling niya sa mga residente ng San Pedro, Laguna, iregalo na raw sana sa kanya ang boto para sa kanyang mister na si Dave Almarinez na tumatakbong Congressman sa nasabing distrito.

Nag-invite ang mag-asawang Dave at Ara ng selected members of the movie press last Monday para saksihan ang launching ng free-wife project ng pulitiko sa mga public place ng San Pedro, Laguna.

“Pero March 25 pa talaga ang kick-off ng local campaign pero meron na tayong mga pa-meeting mga ganyan and eto nga, ni-launch natin ang Wifi Zone,” sey ni Ara.

Mag-iisang taon nang kasal sina Ara at Dave sa June kaya naman natanong namin sa kanya kung kelan ba nila planong magka-baby.

“Eh madali na ‘yon. Kasi, mahirap din namang mangampanya na lobo ang tiyan,” she said.

Pero after elections daw, talagang kakarerin na nila ang pagkakaroon ng baby.

Kahit busy si Ara sa FPJ’s Ang Probinsyano ay nagagawan pa rin niya ng paraang makasama kay Dave sa pag-iikot. Tulad ngayon, katatapos lang nila ng lock-in taping at balik ulit sila sa March 11.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with