^

Pang Movies

Janice, busy din sa negosyo  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Janice, busy din sa negosyo           

Hindi madali para kay Janice de Belen na kumbinsihin noon ang kanyang ama na sa kanya na lamang tumira nang binawian ng buhay ang kanyang inang si Susan in 2016.

Na obviously, naunawaan niya. Her father had a good job. He worked sa advertising department ng kilalang newspaper chain. At bata pa ang kanyang ama that time.

Come to think of it, Salve A. hindi nabanggit sa amin ni Janice kung nag-asawa bang muli ang kanyang ama. Basta raw, at this point of time, sa kanya na raw ito nakatira.

Apat bale ang anak niya sa dating asawang si John Estrada, tatlong babae at isang lalaki.

Ang panganay niyang anak na si Luigi (Iggy Boy for short) with Aga Mulach is now 36 years old. Isang kilalang chef, he, together with wife, Patty, now own and manage the restaurant LUMU (obviously for Luigi Mulach) in Tagaytay City.

Now 53 years old, she is not in a relationship, sabi ni Janice.

She is busy with work, aniya. Bukod sa may negos­yo siyang may kinalaman sa pagluluto, inclu­ding baking, she is back to showbiz as an actress.

She co-stars with Ronnie Alonte at Loisa Andalio in upcoming teleserye, titled Love In 40 Days, produced by Dreamscape Entertainment.

Nonoy at Lani, may reunion

Itong reunion concert between Nonoy Zuñiga at Lani Misalucha na sayang at hindi dito sa Pinas, kung hindi sa US, tiyak panonoorin ko ito.

They are two of my favorite tandem. At matagal na ring hindi sila nagso-show together.

Wonder if you know, Salve A. na magdo-doctor sana itong si Nonoy, but he delights in performing na aside sa malaking tulong tungkol sa kanyang pag-a-aral ang kinikita niya, well, bilang singer, he enjoyed it too.

Until one time when his group had a porformance sa isang plush hotel, sumaglit siya sa comfort room.

Kung bakit nataong may biglaang barilang naganap. The next thing Nonoy know, hindi na siya nakalakad ng tuwid. Nahagip sa isang barilan ang kanyang paa.

Mga anak ni Bong at Lani, abala na rin sa pulitika

Tumatakbo pala for a political office ngayong lection 2022 ang 35 years-old/panganay nina Senator Bong Revilla at Imus (Cavite) Mayor na si Lani Mercado, si Bryan.

And don’t look now, may sarili siyang partylist group : Agimat. 

First time ni Bryan sa pulitika. while his younger brother Jolo, the seating Vice Governor ng Cavite, ay tatakbo this time as Congressman ng isang distrito ng Cavi­te. Also in Cavite, congresswoman naman for another district ang puntirya ni Mayor Lani.

Samantala, isa pang anak nina Senator Bong at Mayor Lani ang tatakbo for Board Member ng Cavite, Si Ram Bautista, ayon kay Mayor Lani.

Kris may dasal...

Kahit may sakit at nakatakdang pumalaot sa delikadong gamutan tungkol sa hindi mahula-hulaan pang kanyang sakit, still humihingi pa ng prayers si Kris Aquino, na sana nga raw ay matapos na itong pandemya na patuloy pa ring kumakalat dito sa atin.

In her case, thankful daw si Kris na wala siyang diabetes, high blood, cancer, at liver problem. “Napakalaking favor na ‘to from the Lord. Tulungan n’yo akong i-claim na hindi rin totoo ang iba pang sakit na posibleng mayroon rin daw ako.”

vuukle comment

JANICE DE BELEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with