^

Pang Movies

Daniel may mystery girl noong Valentine, may isyu ng pera sa mga ex  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Daniel may mystery girl noong Valentine, may isyu ng pera sa mga ex             

Mukhang may mystery girl na ang Brazilian model-actor na si Daniel Matsunaga.

Sa kanyang recent post sa Instagram, may kayayap siyang babae, pero pareho silang nakatalikod.

In black & white pa ang photo na kinunan noong nakaraang Valentine’s Day habang nagbabakasyon sila sa isang beach resort.

Matagal ding nabakante si Daniel sa pakikipag-date at ito ang unang pagkakataon na nag-post siya na may girlfriend na ulit siya.

Inaabangan din kasi ng netizens ang latest sa lovelife ni Daniel. Nakarelasyon kasi niya ang mga aktres na sina Heart Evangelista at Erich Gonzales. Parehong hindi naging maganda ang pakikipaghiwalay niya sa dalawang aktres.

Huling girlfriend ni Daniel ay ang Polish model na si Karolina Pisarek noong 2017. Pero naghiwalay rin sila after two years.

Ang pinagtataka lang ng netizens ay kung bakit walang babaeng nagtatagal kay Daniel? Guwapo, matipuno at mukhang mabait naman si Daniel.

Pero bakit laging lumilitaw ang issue tungkol sa pera kapag hiwalay na siya sa kung sino ang girlfriend niya? Na marami raw itong utang at laging problema ang datung.

Sa totoo lang, turn-off ang pag-awayan ang pera sa isang relasyon.

Kyline at Mavy, opisyal na ang loveteam

Kudos sa Sparkle GMA Artist Center na gawing official na ang loveteam nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Maganda kasi ang response ng TV audience sa kanilang unang tambalan sa teleserye na I Left My Heart In Sorsogon, kaya bakit naman hindi susugal ang GMA sa kanilang binuong loveteam.

Para sa amin, captured ng MavLine loveteam ang AB at CD crowd sa tele­bisyon. Pareho pa silang magaling mag-Ingles, pero kapag nag-Tagalog naman ay maiintindihan mo at walang bulol sa kanila. Guwapo si Mavy at maganda si Kyline. Pareho pa silang very talented at may class ang dating.

Kaya ang tingin namin sa MavLine ay parang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion loveteam. ‘Yung parehong sosyal silang tingnan pero abot pa rin ng masa. ‘Yun naman ang importante sa isang loveteam, kailangan maka-relate sa sosyal at masa na manonood.

Sa naging mediacon nga ng Sparkle Love Teams, hindi magkatabi sa isang frame sina Mavy at Kyline tulad ng ibang love teams dahil nasa magkaibang lugar sila. Pero malakas talaga ang chemistry nila at pareho ang naiisip nilang isagot sa mga tanong.

Importante nga raw sa MavLine ay ang trust or tiwala sa isa’t isa. Kung wala raw trust, paano tatakbo ang kanilang tambalan? Kaya importante rin na tanggap ng pamilya nina Mavy at Kyline ang tambalan nila.

Taylor at Joe, engaged na?!

Malakas ang bulung-bulungan na engaged na si Taylor Swift sa kanyang actor-boyfriend na si Joe Alwyn.

Five years nang may relasyon sina Taylor at Joe, at nasa tamang edad na sila para isipin na nila ang next step sa kanilang relasyon.

Ayon sa isang source, last month pa raw naganap ang pag-propose ni Joe kay Taylor noong magbakasyon sila sa Cornwall, England kung saan nandoon ang hometown ni Joe. Tatlong araw daw silang nag-stay sa Cornwall.

Noong 2016 unang lumabas ang balitang dine-date ng 30-year old British actor ang 32-year old singer-songwriter. Naging maingat si Taylor sa pakikipagkita kay Joe. May isang pagkakataon na sumakay ng private jet si Taylor para puntahan si Joe sa England dahil anniversary nila. Ilang tao lang daw ang nakakaalam sa na­ging tahimik na anniversary celebration nila.

Sa isang promotion ni Joe ng kanyang bagong series sa UK, tinanong siya tungkol sa kanyang present relationship. Sinagot naman niya ng: “People can do whatever they want that makes them happy. I’m obviously happy in a monogamous relationship.”

Noong magkaroon ng COVID-19 pandemic noong 2020, magkasamang nag-quarantine sina Taylor at Joe. Nabanggit ito ng singer noong manalo siya ng Grammy noong 2020 para sa album na Folklore.

“Joe, who is the first person that I play every single song that I write, and I had the best time writing songs with you in quarantine,” sey pa ni Swift sa kanyang acceptance speech.

Naghihintay ang maraming Swifties sa buong mundo ng official statement ng dalawa tungkol sa kanilang diumano’y engagement.

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with