^

Pang Movies

Sen. Bong parang nanalo ng lotto kina Sanya at Rabiya!  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Sen. Bong parang nanalo ng lotto kina Sanya at Rabiya!         

First episode pa lang ng Book 2 ng First Yaya, titled this time as First Lady, dahil pinakasalan na nga ni Vice President Glenn Acosta (performed by Gabby Concepcion) ang yaya ng kanyang mga anak (Sanya Lopez) pero, alam kong susubaybayan ko ito - like First Yaya.

May mga romantic scene na sina President Glenn at Yaya Melody dito bilang mag-asawa.

Kaya hindi mo iisiping may 25 years age gap sila, well, sa tunay na buhay.

Fifty eight years old na si Gabby, samantalang 25 lang si Sanya.

Hindi pa “pumapasok” sa eksena ang iba pang cast ng romantic comedy series. Pero, feel mo nang added excitement ang tiyak na dala nila.

Directed pa rin by L.A. Madridejos, mapapanood din si Alice Dixson sa serye.

GMA’s First Lady might as well be the title, too, na ibibigay kay Sanya.

Bukod kay Gabby, si Sanya rin ang isa sa leading ladies ni Senator Bong Revilla sa patuloy na umaari­bang action series, the Book 2 rin ng Agimat ng Agila.

Isa pang leading lady ni Sen. Bong si former Miss Universe PH Rabiya Mateo.

Hayan, at feeling tuloy ni Senator Bong, nanalo siya sa Lotto.

In real life, though Bacoor City Mayor Lani Mercado is his first and only leading lady.

Anyway, ewan kung nataon lang o sinadya ng GMA 7 na i-hold ang online mediacon for Agimat ng Agila last Valentine’s Day.

Well, bukod kay Senator Bong, who arrived on time, present sa virtual media conference ng Alamat ng Agila Season 2 sina Rabiya Mateo, MJ Lastimosa at Michelle Dee.

Come to think of it, bukod kay Rabiya, former beauty queens themselves din sina MJ at Michelle.

Michelle for one, ay anak ni Melanie Marquez (first Filipina to be proclaimed Miss International in 1979).

Michelle was Miss World Philippines 2019.

Samantala, may takot daw na nararamdaman si Rabiya nang una niyang maka-eksena si Senator Bong, well, sa kanilang first team-up.

Pero, mabait daw pala talaga ito.

Na siya ring naging impression ng dalawa pa niyang leading ladies na kasama sa Agimat 2.

Patuloy daw na ipapanalangin ni Rabiya na matupad ang pangarap niyang makagawa ng action film or show with Senator Bong.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with