^

Pang Movies

Edu at Cherry Pie, binuhay ang nakaraan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Edu at Cherry Pie, binuhay ang nakaraan

Exclusive nagpa-interview nang sabay sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache kay Luis Manzano na ini-release ng huli sa kanyang YouTube channel.

Sa totoo lang, ang lakas ng kilig factor kina Edu at Pie at sey nga ni Luis, pati siya ay sobrang kinikilig.

Sa panayam ay na-reveal na dati na palang nag-date sina Edu at Pie, mga 20 years ago pa at nagkabalikan na lang ulit recently.

“We were dating for almost a year, 2 decades ago,” pag-amin ni Pie.

Dagdag na biro ng aktres, “hindi niya ako makalimutan.”

Tinanong ni Luis ang kanyang ama kung kumusta ang puso nito ngayon.

Huminga nang malalim si Edu. “Kahit paano, nakakahinga ako nang malalim ngayon. Na punung-puno ng saya,” sambit ng aktor saka nagtinginan sila ng matamis ni Pie na talaga namang nakakakilig, sa totoo lang.

Pati si Luis ay kinikilig sa kanila. Nang si Pie naman ang tinanong ni Luis, sagot ng aktres, “answered prayer.”

When asked kung paano nagsimula ang 2nd chance ng kanilang love story, ayon kay Edu ay nanatili raw ang pagiging magkaibigan nila sa loob ng 20 years after they dated.

“Lagi kaming nanatiling magkaibigan, we never drifted apart. We always see each other sa iba’t ibang okasyon and sa iba’t ibang gatherings. And we will always be talking. Sincerely, ha? We knew that we still like each other,” sabi ni Edu na sinegundahan naman ni Pie.

Ayon sa aktres, sa loob ng panahong iyon, sa tuwing nagkikita sila ay lagi raw parang may iba siyang nararamdaman kay Edu pero hindi niya lang pinapansin.

Hanggang sa parang pinagtiyap ng pagkakataon, nagkatrabaho nga sila sa Marry Me, Marry You ng ABS-CBN. “Wala namang expectations, eh. Tuloy lang ‘yun doon sa aming pagkikita during the past 20 years kung saan-saan,” kwento pa ni Edu.

 

vuukle comment

EDU MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with