^

Pang Movies

Heart, forever Kamiseta endorser

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Heart, forever Kamiseta endorser

Nag-renew ng contract sa Kamiseta si Heart Evangelista, kaya very happy si Cris Roque. Matagal na kasi si Heart na endorser ng Kamiseta kaya wish talaga ni Cris na ito na ang forever endorser niya.

Hindi maisip ni Cris na magkakaroon pa ng iba dahil nga sa tagal na ng pinagsamahan nilang dalawa.

Well, congrats, Cris Roque, Heart at Kamiseta.

Coco, matibay makipagkaibigan

Bongga pala talaga si Ronnie Ong, Salve. Kaya pala siya pinili ni Coco Martin samahan sa bago niyang partylist na Ako’y Pilipino dahil naging close at naging best of friends after nilang magka­kilala. Kasi nga siguro nakita ni Coco ang sincerity ni Ronnie bilang kaibigan kaya naging beyond politics ang kanilang friendship.

Bongga talaga dahil now na iba na ang partylist ni Ronnie Ong dobleng-tulong ang ginagawa ni Coco para lalong ma-assure na makilala ito ng mas marami at makita ang concern niya sa lahat ng ipinaglalaban ng mga partylist.

Yorme, may paliwanag sa pagkandidato agad

Impressive para sa akin ang mga sagot ni Isko Moreno sa presscon ng Yorme.

Saka gusto kong i-special mention ‘yung director na si Joven Tan na talagang nasa sulok lang at supportive, hindi gaya ng ibang umaagaw eksena sa mga artista sa presscon. Hinayaan nila pati na ng producers na talagang si Isko Moreno ang mag-shine all throughout, kaya naman solong-solo ni Mayor Isko  ang stage at conversation sa showbiz press.

Talagang openly sinabi ko na palagay ko too early for him to run for President at buo rin ang naging sagot niya na he is ready and he feels it is the right time for him. Mahusay niyang nasagot ang bawat tanong, at naipaliwanag ang mga bagay-bagay. Itapon natin ang political issue at tingnan natin ang movie na Yorme as a good one na may lesson sa buhay na mapupulot ka, na isa itong realidad sa buhay na maganda ang aral sa pagbangon sa hirap.

 Watch it, magandang aral para sa lahat.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with