^

Pang Movies

Netizens nagalit... Herbert inaming brokenhearted, ‘TOTGA’ niya si Kris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Netizens nagalit... Herbert inaming brokenhearted, �TOTGA� niya si Kris

Naku, dapat alam ni Herbert Bautista na na-bash siya dahil sa tweet niyang naka-address kay Sen. Ping Lacson na ang sabi, “@iampinglacson Mr. President Ping, na-inspire din tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang... may napili na siya.”

Sinundan ang tweet ng emoji ng three red heart emojis na nahati sa gitna na ibig sabihin, brokenhearted at sinundan ng hashtag na #TOTGA #KungMaibabalikKoLang.

Obvious na si Kris Aquino ang pinatutungkulan sa tweet ni Herbert dahil engaged na ito sa fiance niyang si Mel Sarmiento. Payo ng netizens kay Herbert, ‘wag niya nang guluhin si Kris na nananahimik at masaya na kasama ang fiance.

May nagsabi pang ‘wag isasama ni Herbert si Kris, kahit pangalan nito sa usaping pulitika para hindi siya maakusahang ginagamit si Kris. Nakikinig naman si Herbert at sana, nakara­ting sa kanya ang mga payo na ito ng netizens na mga botante pa naman.

Ang mas magandang payo ng netizens, ilabas ni Herbert ang mga anak na sina Reese at Harvey para may ibang pinag-uusapan bukod kay Sandro Marcos na anak ni Bongbong Marcos.

Tuloy ang honeymoon

Sa Amerika rin pala magpa-Pasko ang mga bagong kasal na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, nabanggit ito ni Tom sa virtual mediacon ng The World Between Us na babalik na sa Nov. 22.

Dadalawin nina Tom at Carla ang pamilya ng una sa Amerika at biro ni Tom, karugtong ng honeymoon nila rito sa Pilipinas ang honeymoon nila sa Amerika.

“Makakasama ko si Misis. Pupunta kami sa States finally for the first time since the pandemic, para mag-celebrate dun kasama yung family ko naman sa States,” sabi ni Tom.

Nakaplano na ang mga gagawin nina Tom at Carla habang nasa lugar nina Tom.

Bakasyon to the max ang gagawin nina Tom at Carla dahil wala silang maiiwan na trabaho rito dahil pareho ng tapos ang taping ng kani-kanyang teleserye. Tapos na nga ang taping ng The World Between Us ganu’n din ang To Have and To Hold na kasama sa cast si Carla.

Kahit kalaban ng kanyang daddy

KC, sinusundan si Mayor Sara

Masaya ang mga nagmamahal kay Sharon Cuneta sa balitang pina-follow na uli ni KC Concepcion si Frankie Pangilinan sa Instagram. Pero si Frankie, hindi pala nag-unfollow kay KC, gaya ng unang balita.

Comment ng netizens, baka ayaw lang maintriga ni KC kaya nag-follow uli kay Frankie dahil malaking isyu nga naman ang unfollow-han nila. Kung dati, kay Frankie inis ang netizens, ngayon kay KC na, pabebe raw ito. Ayaw maniwala ng mga Marites na napindot lang ni KC ang unfollow button dahil bago makumpleto ang pag-a-unfollow, tatanungin ka muna for confirmation.

Ang nadiskubre pa ng mga Marites, pina-follow ni KC si Davao City Mayor Sara Duterte na kalaban ng stepdad niyang si Sen. Kiko Pangilinan sa pagka-Vice President ng bansa.

Matagal na sigurong naka-follow si KC kay Sara, noon hindi pa ito tumatakbong VP gaya ni Sen. Kiko Pangilinan.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with