^

Pang Movies

MMFF, ilalantad na ang mga napili

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tuloy daw ang 2021 Metro Manila Film Festival. Ito ang pahayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa interviews sa kanya.

Nagbukas na kasi ang ilang sinehan sa Metro Manila ngayong Alert Level 2 na. Eh sa narinig naming coverage, ang foreign film na A Quiet Place 2 at Dune ang napanood.

Limitado ang pinapasok sa mga sinehan, bawal ang pagkain at ang screening hours eh limitado rin.

Walang naibalita kung may Tagalog movies na pinalabas. Ang alam namin, marami nang local films na natapos na pero nakaimbak lang.

Tapos na ang Regal movie ni Joshua Garcia na Ang Mga Lihim ni Mama Susan kung tama ang title namin.

Sa Heaven’s Best Entertaiment naman ay ang Rita Daniella at Ken Chan movie na ang Huling Tag-araw sa Tag-ulan at ang Ang Huling Baklang Birhen sa Balat Lupa ang isinumite sa MMFF.

Eh ang Viva Films, Star Cinema at ilang movie productions kaya, may entry ring isinumite?

Wala pang announcement ang MMFF Executive Committee kung kailan ang announcement ng official entries bagama’t may nagsabi na magaganap ito ngayong araw.

Aba, para maakit ang tao na pumasok sa mg sinehan, ngayon pa lang ay paingayin na ang 2021 Metro Manila Film Festival, huh!

 

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with