Marian, sold out agad ang bagong launch na clothing line!
Congratulations to Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, nang sa launch pa lamang ng sarili niyang clothing line, under her Flora Vida lifestyle brand, ay sold out agad ito in just hours since its release. Ang new collection ni Marian ay binubuo ng easy-to-wear pieces for lounging or day-to-day activities. Each design costs P10,000. Nagpasalamat si Marian sa kanyang Instagram: “I hope you enjoy this collection as much as I enjoyed doing it and I look forward to seeing how you will style your Floravida clothing pieces.”
Kaya naman very proud si Dingdong sa wife niya sa success na kahit anong business na pasukin nito ay matagumpay. Nagpasalamat si Marian sa IG post ni Dingdong ng “Awwww mahal ko, salamat! I miss you.”
Kasalukuyan kasing naka-lock-in taping si Dingdong ng isang mini-series na ginagawa niya for GMA 7. Tuloy naman si Marian as host ng episodes ng Tadhana na nasa ika-fourth year na ang OFW docu-drama at may bago pa siyang endorsement na ilalabas.
Luis at Jessy, may nursery room na
After ba ng nalalapit na pagkakaroon ng baby nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, susunod na rin ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola?
Sa latest vlog na inilabas ni Jessy, kasalukuyan pala silang naglilipat ni Luis ng bahay, isang 4-bedroom, two-storey rental home na titirahan nila for two years habang nire-renovate and kanilang dream house. Simple but classy naman ang new house na nasa ground floor ang living area, dining area, kitchen, garden at outdoor gym. Sa second floor ang kanilang master’s bedroom, guest room at closet/office ni Jessy.
At naisip na rin nina Luis at Jessy na feeling nila ay doon na sila magkaka-baby. Hindi ikinaila ni Jessy na naglaan na si Luis ng nursery room ng magiging baby nila, pero sabi ni Jessy, “bawal muna naming ipakita, dahil storage room pa muna ito pero future baby room na talaga ito.”
Wish naman pala ni Luis na kapag baby girl ang magiging anak nila, gusto niyang kamukha siya ni Jessy.
Alden, may special project
Kahapon, Nov. 7, muling nagbalik si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa noontime Sunday show ng GMA Network, ang All-Out Sundays.
Pero ang big question ng netizens ay ang new Instagram post ng GMA Network for Alden na: “Asia’s Multimedia Star Alden Richards shares teaser of a special project. Stay tuned for more details.”
Ayaw pang magbigay kahit simple clue ang management kung ano ang coming project na ito ni Alden. We just wish Alden good luck!
- Latest