^

Pang Movies

Xian, kinumpara sa pagpapagawa ng bahay ang relasyon nila ni Kim

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Matagal din palang nanligaw si Xian Lim kay Kim Chiu bago niya nasungkit ang matamis na oo ng dalaga.

Sa Ask KimXi vlog ni Xian ay may nagtanong kung gaano raw katagal nanligaw si Xi kay Kim at sinagot naman nila ito. “One and a half (years). Basta nag-one year din kaming ano. Kasi siyempre, para sure. Ayoko namang makipaglaro sa feelings ko, ‘di ba?” sabi ni Kim.

Sabi naman ni Xi, “our relationship is like building a house. Dapat strong ‘yung foundation. Kung hindi strong ang foundation ninyo, kung laro-laro lang naman ‘yan sa umpisa, mabilis din ‘yang mabubuwag. Make sure the foundation is great before you jump into anything.”

Agree naman si Kim. “Yes, dapat matagal.”

Hirit naman ni Xian ulit, “the foundation should be strong. Kung biglaan n’yo lang sinagot ‘yung tao, konting yanig lang, wala na.”

May nagtanong naman kung saan sinagot ni Kim si Xian at noong una’y hindi pa matandaan ni Chinita Princess.

Si Xian ang nagpaalala na sa car siya sinagot ng girlfriend.

“Sa car? Na nag-long drive tayo. It’s either in the car or your house,” ani Xian.

Hindi pa rin maalala ni Kim, kaya sey ni Xi, “I remember, kasi ‘di ba, tinanong talaga kita, very traditional tayo. Tinanong talaga kita, ‘Kim, will you be my girlfriend?’”

Later ay naalala na rin ni Kim at sa kotse nga raw.

Isa ang KimXi sa itinuturing na may pinakamatatag na relasyon sa showbiz dahil kung hindi kami nagkakamali ay nasa eight years na rin sila ngayon.

Kuya Kim, bagong flavor sa Mars…

Mag-iisang buwan na si Kim Atienza sa GMA 7 kaya nakatakda na raw niyang makuha ang first sahod niya this week or next week.

When asked kung anong balak niyang gawin sa kanyang unang sahod, aniya ay ibibigay niya raw lahat sa misis niya.

“I give everything to my wife,” sey niya sa digital presscon ng Mars Pa More with Pars Kim Atienza kung saan nga ay latest addition si Kuya Kim.

“Whatever naman the little raket that I do on the side – malakas ako rumaket, eh – sa social media, kung saan man, I get to keep that naman for my hobbies and all that,” sey pa niya.

Pero siyempre, ‘pag sumosobra rin ang gastos niya ay pinapagalitan din siya ng kanyang misis.

Samantala, magsisimula nang mapanood si Kuya Kim sa Mars Pa More simula sa Monday, Nov. 8, 8:45 a.m. sa GMA 7. Of course, kasama niya pa rin ang original hosts na sina Iya Villania and Camille Prats.

Magkakaroon ng bagong segments ang show at abangan ang bagong flavor na maibibigay ni Kuya Kim sa show.

vuukle comment

KIM CHIU

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with