^

Pang Movies

Bistek, faney na rin ng BTS at K-Dramas!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Bistek, faney na rin ng BTS at K-Dramas!
Herbert.

Meron palang collection ng lumang BTS merchandise ang senatoriable na si Herbert Bautista.

Eh sa chikahan ni Herbert sa ilang entertainment press, nabanggit niyang ang anak niyang si Athena ay certified BTS Army pala.

Alam ng senatoriable ang ilan sa kanta ng BTS. May favorite din siya sa grupo eh hindi lang naming matandaan sila.

Pati nga raw panonood ng Koreanovela eh nakahiligan ni Bistek. Napanood niya ang ilang K movies ni Gong Yoo at iba pa.

Kaya naman swak na swak sa kanya ang hashtag na BTS o Bistek Tayo sa Senado dahil certified din siyang Army, huh!

Nangako siyang ipapakita sa amin ang pictures ng BTS merchandise na meron siya bilang patunay na gusto niya ang grupo!

Samantala, patuloy na umaakyat ang puwesto ni HB sa mga senador sa isang survey na lumabas kamakailan. Number 11 na siya at ilang kembot pa, mapupuwesto siya sa mas matatag na numero sa Top 12 senators na gustong mahalal ng publiko.

Probinsyano, nakatulong sa party list

Malaki ang tulong ng series ni Coco Martin na Ang Probinsyano upang manatili sa kaisipan ng bumoboto ang Ang Probinsiyano Party List.

Hindi naman bigo ang mga tao sa partylist na nakakatulong  sa mga tao at aktibo sa mga project para sa bayan.

Siguradong aprubado naman ni Coco ang Probinsyano Party List dahil ayaw rin niyang mapahiya sa mga tao na gaya niya eh matulungin din sa kapwa.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with