Cristine, ibinunyag ang pang-aabuso ng ina!
May paunang post si Cristine Reyes sa interview niya sa Eight Billion Project, kung saan, ikinuwento sa host na si Liza Florida ang naranasang emotional abuse sa kanyang biological mom.
Sabi ni Cristine, “I have been keeping it since I was a child. I realized it’s time to change and leave everything behind. I hope my story will inspire you and pick up something valuable from my experience in life” at “It’s time for us to change the view of telling people what’s wrong with him/her instead show compassion and say what happened to him/her. This is me opening up to all of you my story in this podcast/video with Eight Billion Project by Liza Florida.”
Sa nasabing interview, kinuwento ni Cristine kung paano siya inabuso ng kanyang biological mom after siyang kunin sa “loving” adopted family niya when she was six. Sabi ni Cristine, sa pinagdalhan sa kanyang ‘big house,’ she was made to feel unwelcome, unwanted, and unloved.
“Ever since I moved to my biological mom, I felt that I didn’t have a voice. So as much as possible, I don’t really talk.”
Naalala rin ni Cristine na sinasabi sa kanya ng mom niya na dapat, hindi siya ipinanganak. “I remember whenever there’s a problem, I would constantly hear words, ‘You know, you should have died. You never should have been born, I tried so many times to abort you.”
Kaya lumaki si Cristine na galit sa classmates niya na may loving moms at nakaapekto sa mental health niya ang hostile environment sa bahay nila. Nadala raw niya sa showbiz ang negativity sa bahay nila at inakalang normal lang magsalita ng “bad words” sa ibang tao.
Sunshine, kina-cancel ng Kapamilya fans
Kina-cancel si Sunshine Cruz ng ibang Kapamilya fans dahil sa sunud-sunod na shows niya sa GMA 7. May mga nag-comment na ayaw na nila sa aktres dahil nasa GMA na at may nag-akusang iiwan din pala niya ang ABS-CBN.
May nag-comment pang sana hindi na bumalik si Sunshine kapag nagkaroon na ng franchise ang ABS-CBN dahil hindi pa raw tapos ang kontrata niya, iniwan na niya ang ABS-CBN.
Kaya nagpaliwanag si Sunshine na ever since, freelancer siya at grateful sa dalawang networks na patuloy siyang binibigyan ng projects at open araw ang pagtanggap sa kanya. Lalabas nga rin siya sa TV5 dahil maggi-guest sa Niña Niño, kung saan may offer, doon siya dahil single mom siya at kailangang magtrabaho para sa tatlong mga anak.
Kahapon, guest si Sunshine sa Wish Ko Lang, kasama sa cast ng parating na new story ng Stories From the Heart at may iba pang projects sa Kapuso network.
Pakiusap nito sa Kapamilya fans, ‘wag magalit sa kanya at sa gaya niyang freelance artist na gusto lang magtrabaho for her family.
- Latest