^

Pang Movies

Scarlet, mahilig sa street food

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Scarlet, mahilig sa street food
Scarlet

Meron palang may mga small business na suportado nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Like ‘yun palang madalas makita na mga pagkain ni Scarlet mula sa mga maliit na business na gusto nilang magtagumpay, kaya bilang tulong dito sila kumukuha ng mga pagkain para sa kanilang mga staff, ipinadadala nilang regalo sa mga mahal na friends.

Ang nice ‘di ba, alam kasi nila na ‘pag hindi mo tinulungan ang mga ito para mag-survive, puwedeng malugi agad o manghina ang loob at ihinto. Sa ganitong pagsuporta at least tuluy-tuloy ang negosyo nila. Katuwa nga si Scarlet na nag-endorse na eat local, siyempre local ‘yung food. Nasa isip niya siguro dahil street food local, at iyon nasa resto, imported, hah hah.

Sarap na sarap siya sa barbecue at mga street food na kinakain niya.

Jinkee, binabantayan 

Bongga si Champ Manny Pacquiao. Kakandidato for President, at deklarado na ito after ng natanggap niyang nomination ng kanyang political party. Tiyak na mas ma­rami na naman ang magbabantay kay Mama Jinkee dahil magiging very visible siya dahil sa candidacy ni Manny.

Sabagay, sa rami nang fans at followers ni Manny Pacquiao hindi rin natin alam, malay natin kung hanggang pagiging Presidente maging masuwerte siya.

Kung iisipin mo ang naging journey niya sa life, puwede namang isipin na totoo na man of destiny ang boxing champ. From his humble beginning, hanggang ngayon, parang umuulan ang suwerte sa kanya.

Kaya malay natin. Kung sakali, maganda ring First Lady si Mama Jinkee dahil pusturyosa, at baka nga dahil sa pagiging simple ng lahat para kay Manny Pacquiao, malay rin natin na baka siya ang maging sagot sa komplikadong problema ng bayan natin. Anything can happen, destiny ang lahat sa buhay, malay natin nasa linya ng stars na maabot ni Manny Pacquiao ang pinakamataas, at kasama niya si Jinkee sa pag-akyat.

vuukle comment

SCARLET SNOW BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with