^

Pang Movies

Christopher, inapi ang pangalan sa OTJ!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Christopher, inapi ang pangalan sa OTJ!
Christopher

Nasa Italy ngayon ang team ng On The Job nina Dondon Monteverde at Erik Matti. Gusto ko kasi sila makausap regarding the billing of Christopher de Leon sa pelikula ni Dennis Trillo.

Alam ko na ang main character ay si Dennis, siya ang bida, at si Boyet parang in a very special role lang.

Pero dahil sa alam naman ng lahat ang status at kung saan dapat ilagay ang pangalan ni Boyet dahil sa honor system, bahala si Dondon at direk Erik dun. Medyo hindi lang nabantayan siguro nang husto lalo na sa voicing ng trailer kaya naging Dennis Trillo, John Arcilla, Dante Rivero, Christopher de Leon.

In fairness, ok na kung sa huli inilagay ang pangalan ni Boyet, pero sana nilagyan ng “and” ng nag-voice over para magkaroon ng impact.

Nag-text na ako kay Stacey (assistant ni Dondon Monteverde), pero kasama pala siya sa Italy.

Bongga ha, sana nga mapansin sa festival ang movie dahil totoo namang maganda according to Boyet. At sana bago mag-showing maayos na ang lahat at bukas na ang mga sinehan.

Walang problema, kaya lang sa susunod dapat siguro laging uulitin ang mga dapat gawin, dapat ipaalalang mabuti ang pinag-usapan para hindi malimutan.

Saka wala naman dapat pa patunayan kung saan dapat ilagay ang pangalang Christopher de Leon. Actually nga, mas makakatulong pa siguro kung bibigyan ng emphasis ang pagkakasali niya sa project. Christopher de Leon is already Christopher de Leon. Calling Dondon Monteverde and direk Erik Matti.

Kamiseta, magpapa-AD sa TIPMMG

Tumawag si Cris Roque ng Kamiseta, Salve. Gusto niyang mag-sponsor ng isang episode ng Take It… Per Minute Me Ganun natin para i-introduce ang bagong products ng Kamiseta.

Kilalang ang magagandang products ng Kamiseta apparel at Kamiseta Skin Care kaya hindi mahirap na bigyang pansin ang mga bagong product na gusto nilang makilala ng public.

Talagang sa sipag ni Cris Roque hindi malayo na sa konting panahon ma­ging top of the line agad ang bago niyang products. Halos nalibot na niya ang buong Pilipinas para malaman kung ano ang hinahanap ng market, kung ano pa ang kailangan nila, kung ano ang mas pipiliin.

Kaya abangan sa TIPMMG ang promo ng mga produkto ng Kamiseta.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with