^

Pang Movies

Alice, best gift ang natanggap sa kanyang 52nd birthday!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alice, best gift ang natanggap sa kanyang 52nd birthday!
Alice

Ang post ni Alice Dixson na “My 1st birthday with her; the best gift in my life,” habang karga ang baby niyang si Aura. Fifty-second birthday ng aktres noong July 28 at ang pagkakaroon ng baby ang itinuring na pinakamalaking blessings na dumating sa buhay niya.

Kaya lang, hanggang ngayon, hindi pa rin ipinapakita ni Alice ang mukha ni baby Aura na kung pagbabatayan ang complexion at kulay ng buhok, tisay ang bagets. May fans ang isa sa mga bida ng Legal Wives  na sana, ipakita na ni Alice ang mukha ng kanyang baby dahil excited na silang makita ang face nito.

Sabagay, hindi pa rin naman ipinapakita ni Alice ang mukha ng kanyang husband na kung tawagin niya ay GS na isa ring foreigner. Ang saya siguro ng fans at followers ni Alice kung pagsabayin nitong i-reveal ang faces ng kanyang husband at ni baby A.

Nas Daily, pinapa-boycott sa Pinoy­ ­influencers dahil sa Wang Od issue

Ka-a-announce lang ng sikat at controversial vlogger na Nuseir Yassin sa vlog niyang Nas Daily ng “Nas Academy is launching 12 new academies by the best Filipino Creators!,” pinanawagan na ng mga kababayan natin na ‘wag ituloy ng mga nabanggit na celebrities ang pakikipag-collab sa Nas Daily.

Nasa listahan ng Nas Daily sina Catriona Gray, Michael Cinco, Erwan Heussaff, Moira dela Torre, Anthony Francisco, Jason Magbanua, Chinkee Tan, Carlo Ople, James Deakin, Mav’s Pheno­menal Basketball, at Jessica Soho na ‘wag ituloy ang pakikipag-collab nila dahil sa ginawa kay Wang Od.

Nakasulat pa sa announcement ng Nas Daily na “Each one of them will be teaching Content Creation, Journalism, Finance, Design, Art, and a lot more” at “Nas Academy heps the best people in the world start their own Academies and become TEACHERS.”

Nauna nang nag-decline ang Panlasang Pinoy na maging bahagi ng Nas Daily in support to Apo Wang Od at ang exploited Pinoy hospitality. Sana, raw sumunod nang mag-decline o mag-pull out ang iba pa.

Binisita namin ang Instagram account ng ilan sa nasa list, pero wala pa silang reactions, nag-iisip pa siguro kung ano ang kanilang next move.

James, nagsalita na tungkol kay Nadine!

Nag-aaway-away na ang fans dahil sa balitang may boyfriend na si Nadine Lustre, ang Fil-French na si Christophe Bariou. Iginigiit ng fans nina Nadine at James Reid na hangga’t hindi mismo nanggaling kay Nadine ang pagkumpirma, ‘wag agad maniwala.

French daw itong si Christophe, pero kapag nasa Pilipinas ay sa Siargao namamalagi dahil naroon ang relatives at may-ari ng Maison Bukana resort ang pamilya nito sa nasabing lugar. Sa Siargao rin daw nagbakasyon si Nadine for three weeks.

O, di ba, updated ang fans sa love life ni Nadine, marami ang masaya na may bagong nagpapasaya at nagpapangiti sa kanya. Ang wish nila, si Christophe na ang maging kapalit ni James sa puso ni Nadine.

May pahayag na nga si James sa isyung may manliligaw na si Nadine at sabi nito, “It’s her choice if she finds a new suitor. We’re still very good friends. We still work together. She is always be very special to me. I don’t think anyone would be excited to see her ex with someone. I wish her the best. I hope she can be at her happiest.”

Family History, gagawan ng sequel

Sa interview sa 24 Oras, nabanggit ni Michael V na may posibilidad na magkaroon sequel ang pelikulang Family History  na pinagbidahan niya, sinulat ang script, prinodyus at dinirehe. Nag-usap daw sila ng misis niyang si Carol Bunagan tungkol sa sequel ng movie na pinagtambalan nila ni Dawn Zulueta.

“Noong na wala e, sabi ko Family History is Family History. Tapos na yung kuwento, pero nag-usap kami ni misis, kasi kasama siya sa nag-produce. She came up with an idea na I’d love to share with you guys. So yes, I will do it,” pahayag ni Bitoy.

Na-inspired din siguro si Bitoy sa magandang record ng Family History  na nag-number two sa Top 10 movies ng Netflix Philippines. 

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with