^

Pang Movies

Pasabog ni Kier sa anak, inaabangan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Pasabog ni Kier sa anak, inaabangan

Malaman ang Instagram post ng dating aktor na si Kier Legaspi nitong nakaraang Lunes. Ito ay ilang araw matapos lumabas ang interview ng anak niyang si Dani Barretto sa vlog ni Dra. Vicki Belo.

Bagama’t walang malinaw na tinutukoy ang kapatid ni Zoren Legaspi, hinala ng marami na may kinalaman ito sa mga sinabi ng kanyang anak.

Sa panayam kasi kay Dra. Vicki, ikinuwento ni Dani ‘yung time na nag-reach out siya sa ama niya at tumira pa raw siya rito for three months.

“I reached out to him and at one point, I actually I lived with him for three months, when I was 19. It was like a very dark phase in my life and at that time, I wanted to get to know him,” kwento ni Dani.

“Tapos we had fun. Doon ko nakilala ‘yung dad ko, parang we had a relationship. I have great memories of him, but naudlot siya, eh. Parang after three months, doon kami nagka-falling out.

“There was a fight... A fight occurred one night and hindi na na-resurrect from that night, we just stopped talking after that fight,” patuloy niya.

At doon na nga raw nagsimula ang hindi nila pagkakaroon ng komunikasyon na tumagal ng seven years. Hanggang sa tinawagan daw niya ito last year.

“Because I also had a baby and I was very emotional because, of course, I knew he’s just there and I want my daughter to know him.

“’Di ba, parang I don’t want my daughter to grow up na what if she asked me about my dad, wala akong masagot, cause I don’t know what’s happening with his life,” ani Dani.

Okay naman daw ang naging pag-uusap nila at nagpaplano nga raw sila na magkita pero dahil nga sa pandemic ay hindi raw sila matuluy-tuloy.

Anyway, aprub naman sa netizens kung magpapainterbyu si Kier at nag-suggest pa ang mga ito ng mga pangalan kung kanino okay na magpa-interview. May nagsabing kay Ogie Diaz at may nagsabi ring kay Toni Gonzaga.

Ang tanong, ano kaya ang mga pasabog ni Kier kapag natuloy ang interview?

Joem, may gustong patunayan kay Willie

May pressure nga ba kay Joem Bascon na apo ni Willie Revillame ang kanyang anak kay Meryll Soriano?

Ito ang naitanong sa aktor sa recent virtual mediacon ng digital film nila nina Lovi Poe and Rhen Escaño na The Other Wife.

“Wala naman pong pressure para sa akin. Mas ang may pressure sa akin kung paano ko po maibibigay ‘yung kailangan ng anak ko, kung paano ko siya mapapalaki nang maayos, kung ano ‘yung maibibigay kong aral sa kanya.

“Pero kung regarding po kay Sir Wil, wala naman po akong pressure, kasi all the time naman po, lagi kaming kinakamusta, lagi kaming binibigyan ng advice, ng tulong. So, lagi po akong grateful,” he said.

Ayon pa kay Joem, gusto niyang patunayan din siyempre kay Willie na kaya rin niyang ibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

“Gusto ko rin po sana na alam mo ‘yun, bilang isang lalaki, gusto kong mapatunayan na kaya kong ibigay ang lahat sa pamilya ko, kaya kong magtrabaho nang maayos, maibigay ang pangangailangan nila,” saad ni Joem.

Samantala, masayang-masaya si Joem at ang dalawang leading ladies niya sa The Other Wife na sina Lovi Poe at Rhen Escaño, gayundin ang direktor na si Prime Cruz sa success ng movie. Kasalukuyang number one ito sa Vivamax na isa sa streaming platforms ng movie. Ang gaganda rin ng reviews sa pelikula at sinasabing pwedeng manalo ng acting award ang dalawang aktres.

vuukle comment

KIER LEGASPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with