^

Pang Movies

Coco at Julia, magka-camping?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Coco at Julia, magka-camping?!

Ahh mukha ngang mga planong mag-cam­ping sina Coco Martin and Julia Montes.

Kahapon lang kumalat pero nung July 2 pa pala sila pumasyal sa isang specialty store ng mga gamit sa camping and outdoor activities.

Saka walang nabanggit na nag-shopping sila, ‘visited’ lang ang nasa caption nito.

Colored ang gamit na face shield ni Julia habang naka-full black mask si Coco.

‘Yung face shield ay familiar dahil parang ito ‘yung suot din ni Coco nang magpa-vaccine siya na kahit may suot na ganung dark face shield, nakilala pa rin sila.

Though hindi sila nagtago dahil posted nga sa Facebook ng nasabing store, pero hindi mo pa rin sila basta-basta makikilala.

Consis­tent and common knowledge sa showbiz na sila ang magkarelasyon. At diumano’y meron na silang anak. Pero walang confirmation na nanggagaling sa kanila.

Pero recently lang ay umamin si Julia na in love siya. At handa raw siyang pakasal dito.

Gusto raw lang nilang sarilihin kung anumang meron sila.

“Yung taong involved, ako, ‘yun lang ‘yung importante, ’yun lang ‘yung nagma-matter. Walang opinions ng ibang tao kasi hindi naman natin lahat mape-please. And that’s my point of view na parang ‘wag na natin stress-in ‘yung sarili natin sa labas. Ito ‘yung atin so let’s just be happy and enjoy,” aniya sa interview ng Mega Entertainment sa tanong kung bakit kailangan nilang ilihim ang tungkol dito.

Marian nagmukhang mas bata sa bangs, Bea malabo raw maging reyna ng GMA sabi ng fans!

Ganda ni Marian Rivera sa bagong hair style - with bangs. Wala siya usually na bangs, pero sa last post niya na ang caption ay “Switching it up a little with this new ‘do” iba na ang hair style niya.

Pansin ng ibang followers niya, parang ate na lang talaga siya ni Zia.

Kasama si Marian sa mga nag-welcome kay Bea Alonzo sa GMA pero confident ang fans ni YanYan na hindi puwedeng talbugan o agawin ni Bea ang pagiging reyna ng misis ni Dingdong Dantes sa GMA 7.

Imagine nga naman kahit replay na lang ang serye nilang Endless Love, mas mataas pa umano ang rating nito kesa sa mga ibang bagong teleserye ng Kapuso.

May punto naman.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with