^

Pang Movies

Pixie cut ni Sarah, nag-viral

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pixie cut ni Sarah, nag-viral
Sarah

Nag-viral sa social media ang new look ni Sarah Geronimo. Naka-pixie cut si Sarah at kinumpirma ng kanyang hair stylist na si RJ dela Cruz na hindi iyon wig kundi buhok talaga ni Mrs. Guidicelli.

Unang nakita ang short hairstyle ni Sarah sa 5th anniversary virtual event ng isang supermarket kung saan endorser ang mag-asawang Sarah at Matteo.

Ito raw ang second time na makita ng fans na nagpagupit ng maigsi ang kanilang idolo. Unang short hair ni Sarah, bob cut ay noong gawin nito ang 2014 movie with Coco Martin na Maybe This Time.

Marami nang fans ang nakaka-miss kay Sarah dahil hindi ito masyadong aktibo sa paglabas sa TV shows simula noong ikasal ito kay Matteo noong February 2020. Kahit daw sa ASAP Natin ‘To ay hindi na siya napapanood. Hanggang sa TV commercials na lang daw nila nakikita si Sarah.

Huling virtual presence ni Sarah ay noong gawin niya ang Tala: The Film Concert noong nakaraang March 27.

Mas priority na raw kasi ngayon ni Sarah ang maging maybahay sa kanyang mister. Si Matteo ang mas aktibo sa paglabas sa TV at ngayon ay may bagong podcast pa ito.

Buboy, ayaw maranasan ng mga anak ang kanyang pinagdaanan

Sa vlog series ni Toni Gonzaga na #ToniTalks, nakapanayam nito ang former child actor at ngayo’y Kapuso comedian na si Buboy Villar.

Napag-usapan nila ang mga pangyayari sa buhay ng aktor, lalo na noong maging batang ama ito sa edad na 17 sa anak nila ng girlfriend na si Angillyn Gorens.
“Love at first sight, tapos gusto ko talaga siya. Hindi namin talagang plano mag-anak noon. Plano lang namin was mag live-in kasi partners kami, Lakasan ng loob po yun, kasi nasa America na siya noon. Sabi ko, ‘Parang hindi ko kaya na ganito ‘yung setup natin.’ Nilakasan ko ‘yung loob ko. Sabi ko, ‘Uwi ka na lang kaya dito sa Pilipinas, magsama na lang tayo.’” sey ni Buboy.

Tumakas lang daw si Angillyn para makarating­ sa Pilipinas. Hindi raw pabor ang parents nito na tumira ito sa Pilipinas.
“Alam namin na mali ‘yun. Ginawa namin ‘yung gusto lang namin. Hindi namin pinakinggan ‘yung mas nakakatanda sa amin. Alam ko na nagkamali  ako sa mga past na nangyari sa akin. Pero hindi ko na kailangan tingnan pa ‘yun pabalik kasi naging aral ko na ‘yun. Sa buhay na ito, may mangyayari talagang hindi maganda or puro maganda. Pero hindi ako pwede mag-expect na sa buhay ko na ito, laging magaganda ang mangyayari,” diin pa ni Buboy.

Naghiwalay sina Buboy at Angillyn noong October 2020 after nilang magkaroon ng apat na taong relasyon na nagbunga ng dalawang anak. Bumalik sa US si Angillyn at nagkaroon sila ng maayos na arrangement para sa co-parenting nila sa mga bata.
“Sa awa ng Diyos, ngayon okay naman na. ‘Yung mga chikiting ko, mga makukulit na rin at masaya. Sa lahat ng laban ko sa buhay na ito, isa lang ang masasabi ko : Isa ‘yun sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko, ‘yung mga anak ko. Unang-una sa lahat, dapat ingatan natin ‘yung sarili natin kasi kapag hindi, paano na ‘yung mga anak natin? Paano na ‘yung future nila? Ayaw kong lumaki ‘yung mga anak ko at pagdaanan nila ‘yung mga pinagdaanan ko,” pagtapos pa ni Buboy na nakatrabaho ang mister ni Toni na si Paul Soriano sa 2015 movie na Kid Kulafu.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with