^

Pang Movies

Ginang na avid fan ni Marian, agad-agad nagpabakuna

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ginang na avid fan ni Marian, agad-agad nagpabakuna
Marian

Nahirapan ang isang lalaki na kumbinsihin ang inang senior citizen na magpabakuna laban sa COVID-19.

Pero nang makita ng ina na nagpabakuna na laban sa COVID si Marian Rivera, agad-agad itong nagpabakuna na ikinagulat ng anak, huh!

‘Yun pala, isang avid fan ni Marian ang ginang! Kaya laking gulat ng anak nang magbago ang desisyon ng ina.

Ang kuwento ng ina ay ibinahagi ng 24 Oras sa kanilang Chika Minute segment. Bilang dagdag na bonus sa ina, binigyan pa siya ng mensahe ni Yan para batiin sa pagpapabakuna!

Sheryl, pumayag maging aswang

Gaganap na aswang si Sheryl Cruz sa episode ngayong gabi, Sabado, ng Magpakailanman sa episode na Kaibigan Sa Umaga, Aswang Sa Gabi.

Natanong si Sheryl kung naniniwala siya sa asawang sa nakaraang virtual mediacon niya.

“Dito sa Pilipinas, naniniwala ako sa iba’t ibang element na hindi ko nakikita. Ever since bata ako, naniniwala ako sa witch doctors, ‘yung mga albularyo, mga nagbibigay ng agimat, sa mga nagbibigay ng pangontra sa kulam, mga ganyan,” pahayag ni Sheryl.

“Pero at the same time, naniniwala ako na may Diyos tayo,” dagdag ni She.

Anyway, tapos na ring magpabakuna si Sheryl na Pfizer ang brand. Mula siya sa pamilya ng mga doctor kaya kampante siyang magpabakuna.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with