^

Pang Movies

Alice nabitbit na ang anak sa ‘Pinas!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alice nabitbit na ang anak sa �Pinas!
Alice

Kulay buhok ng mais ang buhok ng baby ni Alice Dixson na tinawag niyang “Baby A”.

Hindi muna ipinakita ni Alice ang mukha ng kanyang baby daughter na sa buhok pa lang at sa side feature, tisay ang baby.

Nasa Pilipinas na ang mag-ina, bumalik sila kahapon at si Alice lang ang nag-alaga sa baby niya, sinabi naman nito noong nasa ibang bansa pa siya na babalik siya ng bansa na sila lang dalawa ng kanyang baby.

Ipinaalam din ni Alice na naka-quarantine muna sila ng kanyang baby sa Ascott Hotel at kaya ang hotel ang kanyang napili dahil malapit sa doctor ni baby.

Marami na ang gustong makita ang mukha ng baby ni Alice at hindi naman niya siguro itatago ito ng matagal. Kapag right time nang ipakita si Baby A, gagawin ito ng aktres. Curious din ang netizens kung ano ang full name ni Baby A at kung anong apelyido ang gagamitin nito dahil ‘pag sinabi ni Alice kung ano ang apelyido ng baby niya, malalaman ang surname ng kanyang partner.

Sa ngayon, “Prince Charming” at “GS” lang ang tawag ni Alice sa kanyang partner, bahala na raw tayong manghula kung ano pangalan ng guy.

Right timing ang pagbabalik ni Alice dahil nagsisimula na ang promo ng Legal Wives kung saan, isa siya sa lead actress at gaganap na isa sa tatlong asawa ng karakter ni Dennis Trillo.

Derek nahanapan agad ng kapalit

Hindi na nahirapan ang GMA-7 na maghanap ng aktor na ipapalit kay Derek Ramsay sa bagong primetime series ng network na To Have and To Hold. At ang napiling pumalit kay Derek ay si Rocco Nacino na makakasama nina Carla Abellana at Max Collins.

Mahusay na aktor si Rocco, masasabayan ang husay nina Carla at Max sa series na kung tama ang balita ay tungkol sa lesbianism. Ang To Have and To Hold daw ang female version ng My Husband’s Lover kaya abangan natin.

Si Don Michael Perez ang director nito, the same director ng pinag-usapang Love of My Life.

Hataw si Rocco dahil nasa Owe My Love pa siya at ngayon, may new project pa.

Wala pang balita kung ano ang kapalit na project na ibibigay kay Derek ng Kapuso Network, pero mukha namang ayaw pang magtrabaho ng aktor at busy sa love life, kay Ellen Adarna at busy sa paghahanda sa kasal nila.

Sanggre mabubuo na sa Kapamilya

May message si Karylle kay Sunshine Dizon na ngayon ay kapareho na niyang Kapamilya dahil lumipat na ito sa ABS-CBN.

“Wishing you all the best my dearest sistah @m_sunshinedizon! Congrats on the new show and welcome Kapamilya! Goosies when I saw the big announcement! Kailan ulit yung #ThePretendTalkShow natin? Season 2 na ba? Wowww Hahahaha!”

Natutuwa ang fans ng original na Encantadia na nasa ABS-CBN na si Sunshine dahil malaki ang chance na magkakasama sila nina Karylle at Iza Calzado sa isang project. Si Diana Zubiri na lang ang kulang at kumpleto na sa ABS-CBN ang mga Sanggre.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with