^

Pang Movies

TIPMMG, ‘protektado’ na rin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
TIPMMG, �protektado� na rin

Happy Tuesday na naman tayo kahapon, Salve. Kitakits na naman tayo nina Cristy Fermin at Mr. Fu sa Obra ni Nanay. Doon na naman tayo sa tawanan natin habang kumakain ng lunch, at mas juicy pa ang blind items dahil nga doon nabubuo ang topics sa programa.

At feeling safe tayo lahat dahil lahat ay bakunado against COVID-19, pati sina Japs Gersin at Tina Roa, kasama sina Randolf at Gillord. Bongga ang Team Take it… Per Minute Me Ganun dahil ang bait ng Quezon City at ni Mayor Joy Belmonte na dahil sa QC ang TIPMMG, at every Tuesday nasa labas ang seniors na tulad namin ni Cristy, at frontliners kumbaga sina Mr. Fu at Salve, pagkatapos naming mag-apply online para sa bakuna, pumila ng 9 ng umaga, natapos ng 12 ng tanghali, voila, may bakuna na kami at feeling Superman na, hah hah.

‘Katuwa talaga dahil para bang feeling mo wala nang tatama pang sakit sa iyo, at hindi ka na tatalaban ng virus ‘pag nabakunahan ka na.

Salamat talaga sa Protektodo Ka ng Quezon City, kay Mayor Joy Belmonte, sa frontliners, mga doktor at nurses, sa staff ng QC Hall, salamat talaga.

Tuwing Tuesday po, 12 to 1 ng hapon sa Facebook at YouTube ng Pilipino Star NGAYON, ang Take It… Per Minute Me Ganun.

Sa mga ‘di nakapanood ng live kahapon, watch na sa YT at Facebook page ng PSN at maki-team replay.

Pagbiyahe sa ibang bansa, mahigpit pa rin

Sayang, Salve, tumawag si Cris Roque ng Kamiseta dahil sa birthday ni Leo Espinosa. Kung puwede palang mag-travel, nasa Osaka sana tayo today or Bangkok.

Bongga sana, pero dahil nga sa restrictions, hayun, Batangas na lang ang beauty ni Leo. Pero hindi bale, once okey na, biyahe uli tayo nina Cris Roque ng Kamiseta, Leo Espinosa, Pat-P at Jullie Yap Daza. Pasyal-pasyal uli at kahit na tulog lang ako nang tulog ‘pag nasa abroad, enjoy pa rin kasi nga every breakfast tsismisan galore ang ginagawa natin.

Usually sa breakfast lang tayo kumpleto, ‘pag lunch at dinner kanya-kanyang lakad kung saan gustong kumain. Ikaw, Salve at Gorgy, laging nasa labas at shopping galore, parang si Pat-P na laging on the lookout sa bargain items.

Naku miss na miss ko na ang mga traveling natin pero dahil nga pandemic, dito muna tayo sa Pilipinas nating mahal mag-enjoy. Isipin na lang natin na buong mundo ngayon nahihirapan dahil sa pandemic at dahil sa virus ng COVID-19.

Masaya na lang tayo na alive and kicking pa rin tayo, at si Leo ay happy sa kanyang treehouse sa Batangas. Saka na ang travel, Cris Roque, ‘pag ayos na, go na tayo agad. Lakwatsa na, hah hah.

Happy pandemic birthday, Leo, enjoy your treehouse.

vuukle comment

CRISTY FERMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with