^

Pang Movies

Red bikini ni Sanya, nag-trending

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pumatok sa mga manonood ng romantic-comedy series na First Yaya ang episode ni Sanya Lopez na nagsuot siya ng red bikini habang rumarampa sa isang eksena bilang si Yaya Melody, at nganga lahat ng nakakita sa kanya. Nag-top trending list iyon sa YouTube at ilang oras lamang after nai-sho­wing ay umani na ito ng more than 1.6 million views online as of writing. Napuno rin ng papuri ang comments mula sa netizens.

Ang First Yaya na nagtatampok din kay Gabby Concepcion, ay napapanood gabi-gabi after ng 24 Oras.

Bea, Kapuso pa rin

Magpapatuloy pa ring isang Kapuso ang 23-year-old actress na si Bea Binene, kahit tapos na ang exclusive contract niya sa GMA Network. Inamin ito ni Bea sa isang interview, at ipinaliwanag niyang desisyon niya na huwag na munang tumanggap ng offers ngayong panahong ito. “Panahon po ng pandemic at nakakatakot na tumanggap ng assignments at mag-lock-in taping,” sabi ni Bea.“Kaya nagho-host muna ako ngayon sa DZBB radio program at sa GTV show na OMJ (Oh My Job). Produced po ito ng DOLE na napapanood every Saturdays, kasama ko po si Arnell Ignacio.”

Kaya ngayong hindi muna siya active sa showbiz, mas tutok siya sa studies niya, at hopefully, maka-graduate na siya this year dahil last year, nahinto siya dahil sa pandemic.  Enrolled ngayon si Bea sa online courses at Northwestern Kellog and London Business School. Magpapatuloy pa rin ako sa business ko. Siguro po, contract lamang ang nawala sa akin sa GMA,  but I know I am still a Kapuso and will always be forever grateful sa GMA.

Si Bea ay produkto ng StarStruck Kids, hindi man sila ang nanalo ni Miguel Tanfelix noon, pero sila ang nakilala dahil ipinagpatuloy nila ang pag-aartista at nakagawa ng malalaking proyekto. Last teleserye ni Bea ang action-drama series na Beautiful Justice kasama sina Yasmien Kurdi at Gabbi Garcia in 2019.

Thea, hindi nababakante

Excited na si Kapuso actress Thea Tolentino na magsimula sila ng lock-in taping para sa upcoming GMA drama series na Las Hermanas na first time niyang makakatrabaho si Albert Martinez at Yasmien Kurdi at Faith da Silva.

Masaya si Thea dahil simula pa noong 2012 na nanalo silang grand champions ni Jeric Gonzales sa talent search na Protege, halos hindi siya nababakante sa mga proyekto.

Bago ang Las Hermanas, naging bahagi rin si Thea ng primetime soap na Lost Recipe nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa GTV.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with