^

Pang Movies

Carlo, nagpupuyos ang galit sa bashers na tutang ina ang tawag sa anak

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Carlo, nagpupuyos ang galit sa bashers na tutang ina ang tawag sa anak
Carlo at Baby

Nagpupu­yos ang kalooban ni Carlo Aquino sa natanggap na panlalait sa baby nila ni Trina Candaza na si Mithi na ang pinakamatindi ay binantaan pang papatayin ang bata.

Ipinost ni Carlo sa kanyang Instagram Story ang screenshots ng mga natanggap niyang pangba-bash. “Ang sarap mo namang patayin bata ka,” isa sa mga komento.

“Mukha kang tutang ina,” saad pa ng basher na sinundan pa ng “anak ka ng artista pero mukha mo parang tutang ina.”

Isa pang matin­ding comment nito na talagang nakakagalit ay “gawin kaya kitang pun­ching bag para mawala na yang mukha mo.”

Kasama ng screenshots ang reaksyon ni Carlo tungkol dito. Aniya, “full grown adults who makes fake accounts to do this. Ano na ang nangyari sa mundong ito. Paano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo? Magkano sinasahod n’yo para gawin ito? Worth it ba?”

Tulad ni Carlo, galit na galit din si Trina at nag-post din sa kanyang IG Story.

“Nakakagalit. Mga ganitong klase ng basher mga salot kayo. Puro kayo fake account, pero takot na takot ipakita mga pagmumukha niyo,” ang pahayag ni Trina.

Pinayuhan naman ng netizens si Carlo at Trina na magsampa ng kaso sa NBI Cybercrime.

Anila, ang bagay na ito ay hindi biro at hindi dapat palampasin.

Angeline, nega na

Masayang ibinalita ni Angeline Quinto sa latest YouTube vlog niya na natapos na niya ang 14-day quarantine at negative na siya sa COVID-19.

“First time kong ipagpapasalamat na Negative akong tao!!!! My last 7 days of battling the Covid 19 virus and with the grace of God and all your prayers, I am healed! Thank you so much sa pagsama sa akin and hopefully I can inspire everyone that with the right frame of mind and faith in the Lord we can survive this disease,” pahayag ni Angeline sa description box.

Pangalawang vlog na ito ni Angeline tungkol sa battle niya sa COVID-19. Ang part 1 na uploaded last week ay ang first week ng kanyang quarantine at ang part 2 naman ang natitirang last 7 days.

Aliw na aliw kami sa parteng tinawagan niya via video call si Kim Chiu at niyayaya niyang magkita sila dahil inip na inip na nga siya sa bahay. “Gusto mo ba puntahan kita ngayon?” sabi ni Angeline kay Kim.

Ang bilis ng sagot ni Kim. “Huh! Hindi, ah!”

Tawa nang tawa si Angeline sa reaksyon ni Kim.

Tinawagan din niya si Erik Santos at tinanong  niya ng same question. Hindi naman agad nakasagot ang singer na dating na-link sa kanya. “Okay na ‘to, nakakapag-usap naman tayo, malinaw naman ang signal,” sey ni Erik.

Sey pa niya kay Angeline, magpaga­ling daw muna ito at ‘pag negative na, kahit siya pa ang pumunta sa bahay nito. “Lips to lips agad,” sey pa ni Erik.

Sa huli ay ipinakita ni Angeline ang negative result ng kanyang swab test at nagpasalamat siya sa lahat ng friends, family ang supporters na nagdasal para sa paggaling niya.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with