^

Pang Movies

Carla at Tom, noong October 2020 pa engaged!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Carla at Tom, noong October 2020 pa engaged!
Carla at Tom

Sa set ng hit primetime TV series na My Husband’s Lover na tinampukan nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Carla Abellana nagsimula ang attraction sa isa’t isa ng engaged couple na ngayon na sina Carla at Tom.

Si Carla ay dating commercial model bago naging Kapuso actress. Siya’y isa sa dalawang anak ng estranged couple, ang singer-actor na si Rey `PJ’ Abellana at dating aktres na si Rea Reyes. Apo rin si Carla ng veteran actress na si Delia Razon na ang ama ay isang German national.

Habang si Tom naman ay Filipino-American, ex-Pinoy Big Brother housemate noong 2009 sa Pinoy Big Brother: Double Up bago naging ganap na actor ng Star Magic . In 2013, lumipat siya sa pangangalaga ng talent manager na si Popoy Caritativo at saka naging Kapuso actor. Filipina at isang Waray (from Catbalogan, Samar) ang ina ni Tom at American naman ang kanyang namayapang ama. Pero bago ito namayapa ay inabutan at nakilala nito ang nobya ng kanyang anak na si Carla.

It was in October 2020 nang mag-propose si Tom kay Carla pero nitong nakaraang linggo (March 21) lamang nila ibinahagi sa kanilang respective Instagram accounts ang tungkol sa kanilang engagement.

Since noong isang taon pa engaged ang dalawa, malamang na pinaghahandaan na nila this year ang kanilang pagpapakasal.

Samantala, ngayong engaged na sina Carla at Tom, kailan naman kaya susunod ang magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na pareho ring Kapuso stars.

Bea, hindi maamin-amin si Dominic!

Although hindi pa inaamin sa publiko nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang relasyon, hindi na rin maitatago ang ilang okasyon na magkasama ang dalawang actor tulad ng kanilang trip sa Japan, Baguio, Amanpulo in Palawan at iba pa. Ultimo ang tiyahing aktres ni Dominic na si Beth Tamayo (na nasa Amerika) ay alam ang tungkol sa dalawa.

Dahil sa pagiging controversial ng breakup nina Bea at Gerald Anderson noong 2019, gusto marahil nina Bea at Dominic na gawing pribado ang kanilang relasyon na tila imposibleng mangyari dahil pareho silang taga-showbiz. Nag-iingat din siguro ang dalawa lalupa’t established star si Bea kumpara kay Dominic.

Since inamin na ni Gerald ang relasyon nila ni Julia Barretto, walang dahilan para hindi aminin nina Bea at Dominic kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa ngayon.

Samantala, marami ang pinahanga ni Bea nang kanyang i-share sa kanyang YouTube channel ang tour sa kanyang 16-hectare property sa Zambales kung saan naman may beach resort investment ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald. Hindi man sabihin ng dalawa, tiyak na halos sabay silang nag-invest ng property sa Zambales noong sila pa ang magkasintahan.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with