^

Pang Movies

Sa height lang nagkatalo Xian naging kamukha ni Yorme!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sa height lang nagkatalo Xian naging kamukha ni Yorme!
Xian

Uy parang kamukha nga ni Yorme Isko Moreno si Xian Lim except for the height.

Sa ini-upload na photo ni Xian para sa sino-shooting nilang true-to-life story ni Manila mayor, bagay nga si Xian.

“Lasma sa gedli, bandang wakali dehins pa makahalata. Sana sa pelikulang ito at sa pagganap ko sa buhay ni yorme ay makapag bigay kami ng inspirasyon sa aming manonood na huwag susuko sa kahit ano mang pagsubok sa buhay,” caption ni Xian na naka-tag sila Yorme at ang direktor ng pelikula na si Joven Tan.

showtime lilipat na

 Lilipat na nga ba ng studio ang It’s Showtime or mapapanood na rin sila sa TV5? May ilan kasing nagdududa sa bigla nitong pagre-replay muna.

Animo’y may pinaghahandaan daw.

Pero ang sabi, gagamitin na ang studio sa ipinatatayong sound stage ng ABS-CBN sa Bulacan na naudlot nang mawalan sila ng franchise at magkaroon ng pandemic.

Kim de Leon at Lexi Gonzales, maghaharap sa G of the G

Break muna sa pagpapakilig sina Kim de Leon at Lexi Gonzales dahil ngayong Linggo ay sasabak ang dalawang Kapuso teen stars sa pagsagot sa ilang trivia questions sa patok na all-original GTV game show na Game of the Gens (GOTG).

Makakasama ni Lexi ang amang si Jonathan Gonzales habang kasama naman ni Kim ang kanyang mommy na si Gloria de Leon.

Sino kaya sa dalawang pares ang magwawagi?

Hosted by Sef Cadayona, Andre Paras, at Gen Dolls, G na G ang tawanan at tiyak na kapupulutan pa ng aral ang episode ng Game of the Gens ngayong Linggo, 8:30pm, sa GTV. 

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with