^

Pang Movies

Kira, pangarap pa ring maging beauty queen

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

On August 3 ay magtu-21 years old na ang Kapamilya young star na si Kira Balinger na napapanood ngayon sa magtatapos na hit primetime family drama TV series na Ang Sa Iyo Ay Akin kung saan nabuo ang loveteam nila ni Grae Fernandez, panganay na anak ng actor na si Mark Anthony Fernandez. Pero kahit nabuo ang tambalan nina Kira at Grae, hindi pa umano handa ang una na magkaroon ng karelasyon although ayaw niyang magsalita nang tapos.

Kasama sa mga pangarap ni Kira ay ang maging beauty queen balang araw at hindi pa rin umano ito nawawala sa kanyang puso’t isipan kahit nasa showbiz siya.

Samantala, marami ang nakapansin sa husay ni Kira sa pag-arte na kanyang ipinamalas sa Ang Sa Iyo Ay Akin kaya tiyak na malayo ang mararating nito bilang isang aktres.

Si Kira ay nasa pangangalaga ng Star Magic na pinamumunuan ngayon ni Laurenti Dyogi.

Magtatapos na sa darating na Biyernes, March 19, ang top-rating primetime TV series  na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Sam Milby. Grabe ang hindi makapigil-hiningang confrontations sa pagitan nina Jodi at Iza, maging sina Maricel Soriano at Rita Avila at mayroon ding sari­ling highlight sina Sam, Kira at Grae.

vuukle comment

KIRA BALINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with