^

Pang Movies

Barbie, lucky charm ang turing kay Jak

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Barbie, lucky charm ang turing kay Jak
Barbie

Grateful si Kapuso actress Barbie Forteza sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto at itinuturing pala niyang lucky charm ang actor.  Sa Chika Minute ng 24 Oras, inihayag ni Barbie, simula nang maging sila ni Jak three years ago, nagkasunud-sunod na raw ang kanyang projects.

“Tulad po ngayon na magtatapos pa lamang ang primetime series naming Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday this week, isinama na po ako sa All-Out Sundays as one of the hosts, at may bago na ulit akong project na gagawin,” sabi ni Barbie.  “Magsisimula na po akong mag-taping ng isang episode ng drama anthology na I Can See You, na makakatambal ko si Paul Salas, parang reunion namin ito, dahil una ka­ming nagkasama ni Paul sa Kara Mia. At excited po ako dito kasi first time kong makakasama si Mr. Christopher de Leon.

“May separation anxiety naman kami ng buong cast ng matatapos naming series, mami-miss namin ang isa’t isa, lalo na at talagang naging close kami nang mag-lock-in ta­ping kami, at mas nakilala namin ang isa’t isa. It’s great to work kasama ang mga mahuhusay na actor na sina Ms. Snooky Serna, Ms. Dina Bonnevie at si Sir Jay Manalo, ganun din si Kate Valdez at Migo Adecer. Ang aabangan po rito ay kung as Ginalyn, ang tunay na anak ni Ms. Dina, ay tatanggapin niya.”

Start ng finale week tonight ng serye na mapapanood 8 p.m. after ng 24 Oras.

Carmina at Tanya, magtatapatan

Marami nang naghihintay kung gaano raw kataray ang character ni Carmina Villarroel sa GMA Afternoon Prime na Babawiin Ko Ang Lahat. First time kasi ito ni Carmina na gumaganap bilang kontrabida at labanan sila ng acting ng nagbabalik na actress na si Tanya Garcia-Lapid.

“Binasa ko nga muna ang script nang i-offer nila sa akin ang kontrabida role at nagustuhan ko naman ang character ko, tapos, gusto ko ring makatrabaho si Tanya, dahil first time kaming magsasama.  Madali kaming nagkapalagayang-loob nang mag-lock-in taping na kami.  At dahil parehong nanay, lagi kaming nagkukuwentuhan tungkol sa mga anak namin, kambal ang mga anak ko at siya naman tres Marias ang mga anak nila ni Mark.”

Napapanood daily ang serye at 3:20 p.m. after Magkaagaw.     

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with