^

Pang Movies

Stage play ni Marian, may repeat agad

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Stage play ni Marian, may repeat agad
Marian

Magkakaroon ng repeat ang first stage play ni Marian Rivera na Password: 03d1pu5_R3x this March, hindi pa lang in-announce ang exact date. Dahil daw ito sa mainit na pagtangkilik, kaya ibinabalik.

Post ng Tanghalang Ateneo: “Nagpapasalamat ang bumubuo sa produksyong Password : 03d1pu5_R3x sa mga nanood ng aming handog. Abangan ang mga detal­ye” at kasunod nito, ang balitang puwede nang bumili ng tiket sa Ticket2Me. starting yesterday.

Pinost ni Marian sa kanyang IG Story ang announcement ng repeat nito na dahil sa pande­mic, via Zoom napanood.

Relasyong Derek-Ellen, hinuhulaang hanggang isang taon lang

Sa Cebuana sinasagot ni Ellen Adarna ang kanyang bashers, kaya ang hindi Bisaya at Cebuana, hindi alam kahit minumura na sila ni Ellen. May nabanggit si Ellen na “Nawong palang daan di na angay se­riousoon loool!” na ang ibig sabihin, mukha pa lang ng basher, hindi na puwedeng seryosohin.

May in English nag-bash kay Ellen na ang sabi, “He is the new FB toy,,,” at sagot sa kanya ni Ellen, “because... if someone were to FB a face like yours, kennot. Kennot even toy it.” Ayun, kinantyawan ang basher ng followers ni Ellen sa savage na reaction daw ni Ellen sa basher.

Sa pagiging palaban at tapang ni Ellen, hindi ito paaapekto kahit may mga nagsasabing hanggang one year lang ang relasyon nila ni Derek Ramsay. May mas savage pa nga at sinabing hanggang six months lang ang Derek-Ellen romance.

Pero malay naman natin at sina Derek at Ellen na nga ang magka-destiny, sila ang itinadhana na magkasama at magiging masaya silang dalawa.

Maja at Billy hulang-hulang, hindi na makakabalik sa ABS-CBN

Enjoy manghula ang netizens sa blind item ni Ogie Diaz sa vlog nito sa mga Kapamilya stars na hindi na makababalik sa ABS-CBN kapag nakabalik na sa ere ang network.

Sabi ni Ogie, “Alam ko lang sa ABS-CBN ay ‘yung katotohanang ‘pag nakabalik ang ABS-CBN sa ere, may mga artistang hindi rin na makababalik sa ABS kahit gustuhin pa nila.

“Ayoko nang mag-mention ng name pero may mga artistang alam nila, na hindi na sila makababalik katulad ng mga artistang nag-uudyok na lumipat kung saan sila lumipat.

“Feeling ko, letter ‘B’ as in bravo. Saka ‘M’ as in emerald. Charot! M as in mama. ‘Yan. Feeling ko, feeling ko lang ha? Kasi, ‘yun lang din ang naririnig-rinig ko eh-na hindi na makakabalik. Because nag-iimbita pa ng mga artistang ‘andun na sa ABS, nag-stick with ABS, ‘tapos sila, ‘Halika na! Punta na tayo doon! Baka sabihin n’yo si Mr. M ha? No, not Mr. M. Hindi si Mr. M ha?”

Feeling ni Ogie, hindi na makababalik o mahihirapang bumalik o baka matatagalan bago makabalik. Aware raw ang kanyang binanggit na hindi na sila makakabalik kasi nakarating sa top management na nag-iimbita pa sila na tumalon sa kabilang bakod ang kanyang mga nabanggit.

Tama kaya ang hula ng netizens na sina Maja Salvador at Billy Crawford ang tinukoy ni Ogie sa blind item? Pero si Billy, may kontrata rin sa Viva na nag-aalaga sa kanya, kaya sunud-sunod ang shows niya sa TV5.

Cassy, may pinaghahandaan sa pagbaril

Nakakatawa ang comments sa pinost ni Cassy Legaspi ng photo niya na nagpa-firing lesson at dahil walang sinabi si Cassy kung para saan niya gagamitin ang kaalaman sa pagbaril, kung anu-ano tuloy ang comments.

May nagtanong kung sino ang itutumba niya? May nag-comment din kung member na rin siya ng PSG at karamihan, natuwa sa kanya. Cool daw si Cassy na shooting ang ginustong sports, ito ay kung sports na ni Cassy ito o baka naman, gagamitin niya sa First Yaya.

May nag-comment pa na kapag marunong nang bumaril si Cassy, hindi na niya kakailanganin ang bodyguard dahil makakaya na niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Samantala, expect Cassy, JD Domagoso and the rest of the cast of First Yaya na mag-full blast sa promo ng primetime series ng GMA 7 dahil sa March 15 na ang world premiere nito.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with