^

Pang Movies

Kris, nilayasan agad ni Joshua

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris, nilayasan agad ni Joshua
Joshua at Kris

Inamin ni Kris Aquino na hindi niya talaga naalagaan nang husto ang panganay na anak na si Joshua habang lumalaki ito dahil sa sobrang ka-busy-han niya sa kanyang career.

Paliwanag ni Kris sa latest video na in-upload niya kung saan ay binisita siya ni Joshua mula sa Tarlac, noong panahon daw na lumalaki ang eldest son ay hindi pa ganu’n kalaki ang kanyang pangalan unlike when Bimby (her youngest son) was born.

“I was already Kris na puwede nang magdikta ng schedule, nag-a-adjust na sa ‘kin, when Bimb was born. Pero the years that he (Josh) was growing up, I was not yet at the level I was.

“So, all those ‘yung mga programs, PTC (Parent Teacher Conference), ‘yung mga events sa school, I was sleeping, I was shooting and it’s my mom (former President Cory Aquino), ang lola niya talaga ang pumuno sa lahat ng ‘yun.”

Kaya naman sobrang naiintindihan ni Kris kung bakit lola’s boy si Josh at malapit sa puso nito ang Tarlac na hometown nga ni tita Cory.

“So, hindi ako makaka-compete roon. Kung doon siya happy because roon ‘yung happy memories nila ng lola niya, I want him to be happy,” she said.

Twelve years ang gap nina Joshua and Bimby kaya raw nang ipanganak niya ang bunso ay Kris Aquino na siya at puwede nang mag-request ng advance taping para makapunta kay Bimb.

Dinalaw si Kris ni Joshua after two months na pananatili nito sa Tarlac. Dec. 26 pa raw niya huling nakita ang anak kaya naman masayang-masaya si Tetay na makapiling ulit ang panganay. ‘Yun nga lang, bumalik din ulit ang anak sa probinsya that day.

Tinanong ni Kris si Josh kung bakit nito gusto sa Tarlac at ayon sa binata ay dahil sa fresh air, jogging and e-bike.

Matteo, walang pasabog sa anniversary nila ni Sarah

Kahapon (Feb. 20) ang first wedding anniversary nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo at napakaraming abangers na naghihintay ng pasabog na pagbati ng aktor sa kanyang misis or kung anumang ibabahagi niyang anniversary ganap nila.

Maging kami ay panay din ang stalk sa Instagram account niya to know kung may bago siyang post regarding the anniversary.

Pero as we write ay wala pang anniversary message si Matteo at sa halip ay ipinost niya ang poster ng film concert ni Sarah G. na Tala.

“Hi guys, I’d like to personally invite you to experience my wife’s TALA the film concert this coming March 27, 2021. She worked extremely hard for this show because her goal was to really produce something extra special for her audience and I personally witnessed how she creatively collaborated with her team. Get your tickets now!! Enjoy!! @justsarahgph,” ang pagpo-promote ni Matteo sa concert ni Popstar.

Sa comments section ay dumagsa ang pagbati sa mag-asawa ng “happy anniversary” at pinuri rin ng Popsters (tawag sa fans ni Sarah) si Matteo for being a supportive husband.

Nag-post din si Matteo ng video ng bagong endorsement nila ni Sarah kung saan ay makikitang sabay silang nagdya-jogging at nagwo-work-out sa umaga at ipinagluluto ni Matteo ang kanyang misis.

Hangad ng mga fans na nawa’y patuloy na i-bless ni Lord ang kanilang marriage at manatiling matatag ang pagsasama.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with