Pero parang one happy family na ang peg Derek at Ellen, rebound daw ang relasyon?!
Rebound relationship nga ba sina Derek Ramsay and Ellen Adarna?
May public display of affection - PDA - na sila sa Instagram stories ni Ellen kung saan naka-back hug siya sa aktor na neighbor niya.
As if sila na nga.
Kasama ang anak niyang si Elias sa nasabing parang family vacation nila.
Nauna nang nag-post ng ‘road trip’ photo si Derek kasama ang mag-inang Ellen and Elias at nakita silang nag-ferry boat kasama ang mga kaibigan.
Kelan lang nag-break sina Derek and Andrea Torres habang si Ellen ay nabalita dating may foreigner na boyfriend after John Lloyd Cruz.
Pero ngayon ay parang one happy family sila ni Derek habang nasa beach kung saan father figure ang peg ni Derek sa anak nina John Lloyd and Ellen.
Marian, enjoy sa pagmo-motor ni Dingdong
Pinatunayan ni Marian Rivera na hindi niya binago ang buhay ng mister na si Dingdong Dantes nang magpakasal sila.
“Nakilala ko kasi si Dong na ginagawa niya na yan, so lahat ng mga bagay na ginagawa niya noong binata pa siya, noong hindi niya pa ako asawa, never ko yan pinakialaman.”
Ang tinutukoy ni Marian ay ang pagmo-motor ni Dingdong kung saan nagba-backride pa si Yanyan.
- Latest