^

Pang Movies

Janine at Joshua, nire-request pagtambalin

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ipinadala sa akin ng isang fan ‘yung video na magkatabi (hindi tabing-tabi dahil bawal ‘yon ngayon dahil sa COVID-19 health and safety protocols) sa ASAP Natin ‘To stage sina Janine Gutierrez at Joshua Garcia.

Kitang-kita nga na nag-uusap sina Janine at Joshua habang may kumakanta.

Sabi ng fan sa akin, “Kuya Jun, maraming kinilig kina Janine at Joshua. Bagay sila. Sana ngayong nasa ABS-CBN na si Janine, magkasama sila sa isang project. Nakakakilig sila!”

Pinanood ko nga ‘yung video at may kilig factor nga ang dalawa, huh!

Who knows, baka maisipan nga ng Kapamilya network na pagsamahin silang dalawa sa isang project. Pero ‘yung sisimulang teleserye ni Janine by April under Dreamscape, ang alam ko ay si Paulo Avelino ang kapareha niya.

May isang makakasama rin si Janine sa project na ‘yon na malapit na malapit sa kanya, kaya naman nang malaman niyang naka-casting ang aktres na ‘yon ay natuwa siya.

Kathryn, hindi pinag-iingay ang pagtulong 

Tahimik lang si Kathryn Bernardo, pero may nakapagkuwento sa akin na marami palang tinutulungan ang girlfriend ni Daniel Padilla.

Ayaw na ayaw nga lang daw ipabanggit ni Kathryn ang bagay na ‘yon.

Pati ang nanay ni Kathryn na si Min Bernardo, tahimik lang, pero kapag may mga kilala sila na alam nilang nangangailangan ng tulong ay sila na raw ang nagkukusa, huh!

Wow, napakaganda ng ugaling ito ni Kathryn, pati ni Mommy Min!

Actually, alam mo, Ateng Salve, isa si Kathryn sa mga kabataang artista na type ko ang pagiging ma-PR. Minsan lang akong naipakilala sa kanya, pero sa tuwing nakikita niya ako, siya talaga ang unang bumabati.

Noong may La Luna Sangre pa nga, dinalaw ko sa taping si Richard Gutierrez at nang makita ako ni Kathryn, bumati siya kaagad at nang dumating ang boyfriend niyang si Daniel, itinuro niya ako para lumapit at bumati rin ito sa akin.

Sana lahat ng mga kabataang artista ay katulad nila, ‘noh?!

Marami kasi sa mga artista ngayon na kilala ka lang kapag nakakatsikahan mo sa mga pa-presscon para sa kanila, pero after naman, kapag nakasalubong ka (I’m talking about before the pandemic), hindi ka na kilala!

‘Yun na!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with