^

Pang Movies

Sharonians, ramdam na may konek sa pulitika Ang bashing kay Kakie

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sharonians, ramdam na may konek sa pulitika Ang bashing kay Kakie
Frankie

Alam mo, Ateng Salve, naawa ako kay Frankie Pangilinan, anak ng Megastar na si Sharon Cuneta, pagkatapos kong makatsikahan ang isang miyembro ng Team Sharon.

Kasi after 1 1/2 years ay biglang pinutakti ng mga negative comment at dislikes ang guesting ng dalaga sa Wish Bus 107.5 na naka-post sa kanilang YouTube channel.

Sabi ng kausap ko, “Very offensive ang mga comment. Nakakainis lang.

“Halatang sadya. Halatang pinagplanuhan. Saka ang tagal na no’n. In fairness to Kakie’s song, ‘yung TYL (True Young Love), maganda ‘yon at maganda rin ang feedback nang ilabas ‘yon, ‘tapos ngayon, biglang may ganoon,” sabi ng kausap.

Obvious naman daw na may kinalaman sa pulitika ang nangya­ring ‘yon sa old guesting ni Frankie sa Wish Bus 107.5.“Sana lang, huwag ganun. I-out naman nila ang politics sa bagay na ‘yon. Talented naman si Kakie. Like her mother, magaling naman talagang kumanta si Kakie!” pagtatanggol pa ng Team Sharon member na katsikahan ko.

Well, advice ko naman sa katsikahan ko, deadmahin na lang ni Frankie ang panibagong bashing sa kanya lalo na at hindi naman kilala ng anak ni Sharon ang mga gumawa no’n sa kanya. “Tama ka. Paapekto siya kung mga kilala niya ang mamba-bash sa kanya. In fairness, love na love si Kakie ng mga fan, lalo na ng Sharonians at grabe ang support sa kanya!” sey pa ng kausap ko at nag-agree na bashers will always be haters!

Agree, Ateng Salve?!

Zsa Zsa, pinasyalan sina Pops at Martin

‘Katuwa lang na si Zsa Zsa Padilla ang special guest nina Pops Fernandez at Martin Nievera mamayang 9:00 p.m. sa Colours Channel show nila under Cignal TV, ang eXes & whYs with Pops and Martin.

Sey ni Pops nang maka-chat ko kahapon, sobrang saya raw ng episode na ‘yon. Eh, birthday kahapon ni Martin, kaya inusisa ko na rin si Pops kung may birthday surprise ba para kay Martin. “Wala namang big celebration, pero manood kayo dahil may birthday prank kami kay Martin. Kung ano ‘yon, dapat watch n’yo,” sey ni Pops.

Well, parang interesting na abangan ‘yon, kaya tututok ako mamaya sa cable talk/musical show ng ex-couple.

Lotlot at Monching, magkasundo para kay Diego

Speaking of ex-couples, ‘katuwa sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher dahil pareho nilang pino-promote ang On A Dream single ng only son nila na si Diego Gutierrez.

Lumabas na kahapon sa Spotify, Apple Music at Amazon Music ang nasabing kanta at free to download ‘yon. Pinatutugtog na rin ito sa iba’t ibang radio stations.

Ateng Salve, ‘katuwa lang naman na pagdating sa pagsuporta sa kanilang mga anak, magkasundo talaga sina Lotlot at Monching.

Actually, natatandaan mo pa ba, Ateng Salve, na noong mag-sign-up sa LVD Management ni Leo Dominguez si Diego ay pareho ring naroroon ang ex-couple.

‘Katuwa nga na after ng kanilang paghihiwalay at naging friends pa rin naman sina Lotlot at Monching.

Anyway, umaasa si Diego na susuportahan at magugustuhan ng mga fan ang On A Dream single niya. Thankful din si Diego na very supportive rin ang ate niyang si Janine Gutierrez sa kanyang recording career.

Sana nga raw at magka-duet din silang dalawa sa ASAP Natin ‘To kung saan ay pareho na silang regular ngayon.

Ang bongga. ‘Yun na!

vuukle comment

FRANKIE PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with