^

Pang Movies

Marian nag-donate ng upright loom

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nabigyan ng trabaho ni Marian Rivera via her FloraVida by Marian flower shop at Flora Vida Home ang mga worker ng Paete, Laguna na katulong ng Kapuso aktres sa pagbuo ng furniture lines and decor ng Flora Vida Home. Sila rin ang gumagawa ng flower vase na ginagamit sa flower shop ng Kapuso actress.

Mga mananahi naman na taga-Manila ang katulong ni Marian sa paggawa ng pillow cases, table runners, table linens, accent cushions at iba pang pieces na tinatahi.

Ngayon naman, nag-donate si Marian ng upright loom para sa weavers ng Kandama Collective at lubos siyang pinasalamatan sa kanyang ginawa na sabi ng Kandama, “for supporting not just our artisans but artisans across the country.”

Iba’t ibang klase pala ang upright loom at iba-iba rin ang presyo at dahil sa donation ni Marian, mas magiging productive ang nabigyan niya nito. Parang katulong din ni Marian ang mga weaver sa kanyang Flora Vida Home.

Speaking of Flora Vida Home, marami tiyak ang nag-order dahil sa post ni Marian na “I’m very grateful for Flora Vida Home’s success. Nakakataba ng puso.”

Lani, umamin na sa naging sakit

Hindi na nakabalik bilang isa sa judge ng The Clash si Lani Misalucha mula nang magkasakit at nagpagaling. Si Pops Fernandez ang pumalit kay Lani at hanggang sa finale this Sunday, si Pops na ang kasama nina Christian Bautista at Ai-Ai delas Alas sa pagpili ng Grand Champion ng Season 3 ng The Clash.

Pero, babalik si Lani sa The Clash Christmas Special: Pasko Para sa Lahat! na airing sa December 25, pagkatapos ng 24 Oras.

Dito rin ikukuwento ni Lani kung bakit hindi na siya nakabalik at naipagpatuloy ang pagdya-judge sa  singing contest. Baka ikuwento na rin nito kung ano ang naging sakit niya dahil hindi nasulat at ang nasulat lang ay nagkasakit siya, pero hindi kung ano ang kanyang sakit bagama’t may nasulat na na-food poison ito.

Juday magiging guest ni Ryan

Ang asawang si Judy Ann Santos ang special guest ni Ryan Agoncillo sa Christmas Special ng Talentadong Pinoy na napapanood sa TV5. Two-part ang ito at ang first night ay napanood kagabi.

Sa kani-kanyang social media accounts na lang nakikita ang dalawa, kaya masaya ang fans.

Baron nasa VIVA na

Viva talent na pala si Baron Geisler at nakita namin ang photo niya na naka-post sa Instagram account ng Viva Artists Agency with matching welcome message na “Welcome to Viva Baron Geisler! Viva Artists Agency warmly welcomes Mr. Baron Geisler as part of our growing roster of talented artists!”

Bagong pirma pa lang ng kontrata sa VAA si Baron, kaya wala pang nailatag na project para sa kanya. But knowing Viva at sa rami ng projects na kanilang ginagawa, siguradong magiging busy agad ito.

And speaking of Baron, batay sa post niya sa IG, sa Cebu City na siya naka-base at pumupunta na lang siguro ng Manila kapag may gagawin siyang proyekto. Masaya at tahimik ang buhay ni Baron sa Cebu sa piling ng kanyang asawa at baby girl na si Tali.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with