^

Pang Movies

Julia at Gerald, ayaw tantanan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Julia at Gerald, ayaw tantanan
Julia

Sa isang panayam ay sinabi ni Julia Barretto na masaya ang kanyang puso ngayon pero hindi nito binanggit kung sino ang nagpapasaya.

Pero marami ang naniniwala na si Gerald Anderson ang bagong nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sa halip na aminin ang identity ng guy, mas gusto ngayon ng bagong talent ng Viva Artists Agency na gawin na itong pribado.

Ewan lamang, Salve A. kung magiging successful siya sa aspetong ito considering na nagkakalat ang mga ‘paparazzi’ at marami ang nakakakilala sa kanila ni Gerald.

Samantala, gaano kaya katotoo ang balita na dinala na umano ni Gerald si Julia at ang pamilya nito sa kanyang resort sa Zambales kamakailan lang. If this is true, walang alinlangan na sina Gerald at  Julia na.

ABS-CBN at Brightlight, sanib-puwersa sa serye

Mukang isinantabi muna ng businessman na si Albee Benitez ang pulitika para matutukan ang kanyang pagi­ging bagong TV producer sa pamamagitan ng kanyang bagong tatag na Brightlight Productions.

Kahit baguhan sa larangan ng pagpu-produce ng mga TV show, he tapped the services ng mga taong maalam na sa TV production na majority, if not all ay nagmula sa Kapamilya network.  Kinuha rin niya ang basbas at kooperasyon ng ABS-CBN para makuha niya ang services hindi lamang ng mga production staff, wri­ters, directors kundi pati talents ng Kapamilya network. Kung titingnan ngayon ang mga entertainment programs ng TV5, majority sa kanila ay nagmula sa ABS-CBN.

Kaya kahit napapanood sa iba’t ibang programa ng Kapatid network ang mga talent identified with the Kapamilya network, hindi ito nangangahulugan na talents na sila ng TV5, except for Ted Failon and DJ Chacha na talagang pumirma ng exclusive contract with them.
Ngayon ay may kasunduan din ang dalawa for a joint production sa pamamagitan ng isang bagong teleserye na mapapanood sa TV5, ang Love on the Move kung saan ang Star Cinema ang line production using talents from ABS-CBN and Rise Talents.
Si Pat-P Daza na dating Kapamilya ay siya ngayong head ng Admin at Operations ng Brightlight Productions. At maging ang longtime partners na Johnny Manahan at Mariole Alberto ay bahagi na rin ng production ni Albee.

Si Johnny or Mr. M ang direktor ng Sunday noontime musical variety show na Sunday Noontime Live na ang mga staff ay lahat galing sa katapat nitong programa, ang ASAP Natin ‘To ng Kapamilya network.
Maging ang mga Kapamilya directors na sina Jeffrey Jeturian, Edgar Mortiz at iba pa ay tinap din ng Brightlight Productions.

Aicelle at Mark, magiging iba na ang Pasko

Excited na ang mag-asawang Aicelle Santos at Mark Zambrano sa paglabas next month ng kanilang first baby na isang girl.
Ni-reveal na ng couple ang magiging pangalan ng kanilang unang supling, Zandrine Anne, tiyak namang magiging kakaiba ang kanilang paggunita ng Pasko dahil may bagong karagdagan na sila sa kanilang pamilya.
Ang couple ay ikinasal sa Jardin de Zaida sa San Juan, Batangas matapos manggaling ni Aicelle sa kanyang year-long tour sa United Kingdom ng Miss Saigon na unang pinagbidahan noong late ‘80s ng West End and Broadway star na si Lea Salonga.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with