^

Pang Movies

Kotse ni Enzo nabagsakan ng puno

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kotse ni Enzo nabagsakan ng puno
Enzo

Nabagsakan ng puno ng avocado ang sasakyan ni Enzo Pineda.

Nangyari ang disgrasya dahil sa bagsik ng bagyong Ulysses kahapon sa Metro Manila at ilang probinsiya sa Luzon.

Ipinakita ni Enzo sa kanyang Facebook live ang nangyari kung saan nakapatong ang puno sa bandang likuran ng kotse.

Tila burado na ang FB post ni Enzo as of presstime dahil hindi na namin ito makita.

GMA news reporters, matapang na sinuong ang bagyo

Saludo kami sa tapang at lakas ng loob ng GMA News broadcast journalists na sumuong sa panganib para ihatid ang latest updates sa magkakasunod na bagyong Quinta, Rolly at ang latest na si Ulysses kahapon.

Una na si Ian Cruz na nasa Catanduanes na hinagupit nang husto ng bagyong Rolly. Nanatili siya sa probinsiya hanggang sa nanalasa si Ulysses.

Tapang din ang ipinamalas ni Saleema Refran na sa Bicol naman nag-report. Kahit babae, buo ang composure niya habang nagbabalita.

Bukod kina Ian at Saleema, papurihan at palakpakan din natin ang iba pang GMA news reporters gaya nina Allan Gatus, Jun Veneracion, John Consulta, Emil Sumangil pati na rin ang anchors ng GMA News TV at DZBB.

In full force talaga ang programa at news reporters ng GMA mula umaga hanggang gabi para ihatid ang latest updates, reports at iba pa ng bagyong Ulysses!

vuukle comment

ENZO PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with